Sarah nagpasilip sa concert: Kita n’yo to? Bongga, di ba?
HINDI na bagay kay Sarah Geronimo ang titulong Pop Princess dahil pagkatapos ng kanyang “From The Top” concert sa Araneta Coliseum last Friday ay pwedeng-pwede na siyang tawaging reyna dahil sa kanyang mga pasabog na performance.
Medyo napatagal lang ang paghihintay ng fans kay Sarah, alas-8 ang simula dapat ng concert ngunit nag-delay ito kaya nagdagdag ng maraming filler ang production. Pero nang lumabas na sa stage si Sarah ay wala nang patid ang sigawan at pawagayway ng mga ilaw at tarpaulin ng mga fans na tila hindi man lang nainip sa paghihintay sa kanilang idolo.
Bumawi naman si Sarah sa audience, dahil pag-entrada pa lang ng kanta niyang “Kilometro” ay todo-bigay na agad ang singer-actress. Fierce ang dating ng unang kanta nito. Todo hataw ang girlfriend ni Matteo Guidicelli at walang pag aalinlangan sa mga liftings at pagliyad.
Nag-enjoy ang lahat sa saliw ng mga awiting “What Have You Done To My Heart”, “If Only”, “Forever’s Not Enough” at marami pang iba. Nabigyan din ng pasilip sa personal na buhay ng singer-actress ang mga fans dahil nagpakita ng mga interview clips kung saan tinanong si Sarah ng mga tungkol sa kanya sa pagitan ng bawat pag awit.
Sabi ng singer-actress, “Tonight is all Pinoy, all original, all Sarah, all heart and soul.” Isa rin sa natatanging inawit niya nu’ng gabing iyon ay ang “Minamahal”. Ayon sa isang katabi naming nanood, nakaramdam daw siya ng “goosebumps” habang inaawit to ni Sarah.
Halos lahat ng kinanta ni Sarah ay mula sa kanyang album. Halos puro cover raw kasi ang ginagawa niya kaya ngayon daw ay tangkilikin naman ang sariling atin.
Sa buong concert ay talagang mararamdaman ng lahat ang happiness ni Sarah sa mga narating niya dahil todo biro ito at tawa habang kinakausap ang audience pati na rin ang mga naging special guest niya sa concert na sina Kito Romualdez at Erik Santos.
Masasabing iba ang pag-deliver ngayon ni Sarah. Nakikisaya at nakikisayaw ang lahat sa mga mabibilis niyang kanta at tumatahimik naman at tutok kapag mellow at may hugot ang kanyang awit.
Naaliw din ang lahat dahil nakailang costume change din siya ng gabing iyon. At in fairness, lahat ng isinuot niya ay lumalaban talaga sa paseksihan. Meron pa ngang isang eksena kung saan ibinuka ni Sarah ang slit ng kanyang dress sabay dialogue ng, “Kita n’yo ba to? Bongga, di ba?’’
Sa huli ay todo pasasalamat si Sarah sa lahat ng mga taong hindi siya iniwan mula umpisa ng kanyang career hanggang ngayon. Natuwa pa nga ito dahil tinatangkilik pa rin siya ng mga tao.
Mula direktor, endorsements, family at fans ay hindi nakalimutang bigyang pugay ng Popstar Queen.
Inamin naman ni Sarah na talagang inatake siya ng sobrang nerbiyos noong sinisimulan pa lang nilang planuhin ang nasabing concert, “Nag-alangan talaga akong mag-show kasi feeling ko wala na akong maibibigay.”
Pero pinatunayan nga ni Sarah na hindi pa rin nawawala ang kanyang ningning bilang isang total performer.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.