Rebelde dakip sa engkuwentro sa Quezon | Bandera

Rebelde dakip sa engkuwentro sa Quezon

John Roson - November 30, 2015 - 01:33 PM

quezon
Nadakip ng mga tropa ng pamahalaan ang isang hinihinalang kasapi ng New People’s Army (NPA) nang makasagupa ang mga umano’y miyembro ng rebeldeng grupo sa Gen. Nakar, Quezon, iniulat ng pulisya kahapon.

Nakasagupa ng mga elemento ng Army 80th Infantry Battalion ang apat na hinihinalang rebelde sa liblib na bahagi ng Sitio Sari, Brgy. Lumutan dakong alas-12 ng tanghali Sabado, ayon sa ulat ng Quezon provincial police.

Walang naiulat na nasugatan sa magkabilang panig, pero nadakip ng mga kawal ang isang hinihinalang rebelde, ayon sa ulat.

Di pinangalanan ang nadakip, pero sinabi sa ulat na nasa kostudiya na ito ng mga tropa ng 80th IB sa Baras, Rizal.

Samantala, nakasagupa naman ng mga pulis ang isa pang grupo ng mga hinihinalang kasapi ng NPA sa Claveria, Masbate, nitong Linggo ng tanghali.

Nagsasagawa ng internal security operation ang mga elemento ng 5th Regional Public Safety Battalion nang mabangga ang di mabatid na bilang ng armado sa hangganan ng Brgys. Mabiton at Taguilid, sabi ni Senior Insp. Maria Luisa Calubaquib, tagapagsalita ng Bicol regional police.

Umabot sa 30 minuto ang sagupaan. Walang naiulat na nasugatan sa mga pulis.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending