Jessy umaming hiniwalayan si JM: Pero mahal na mahal ko siya! | Bandera

Jessy umaming hiniwalayan si JM: Pero mahal na mahal ko siya!

Alex Brosas |November 07,2015
facebook
share this

Jessy umaming hiniwalayan si JM: Pero mahal na mahal ko siya!

Alex Brosas - November 07, 2015 - 02:00 AM

jessy mendiola

Inamin ni Jessy Mendiola na she and JM de Guzman are no longer a couple. Nangyari ang pag-amin ni Jessy during the presscon for the Kapamilya gag show Banana Sundae where she is cast. Ito ang papalit sa Banana Split na mapapanood na tuwing Linggo.

“It’s better siguro na we focus on our respective priorities. ‘Yun lang naman. I just want to focus on myself first. And that’s the same with him,” say ni Jessy. “Siguro may certain time na dada-ting na magiging okay ako.

Siguro ngayon mas mabuti nga ito. It’s God’s way of saying, ‘you have to prioritize other things more than this. “So nandoon ako, sumusu-nod lang talaga ako sa daloy ng kung ano’ng nangyayari sa amin, may mga bagay talaga na ‘pag sinasabi mong hindi talaga para sa ‘yo, wag mong ipilit,” dagdag pa ng dalaga.

Napatawad na ba niya ang bashers niya? “You can really forgive them but not forget them O, ayan na naman kayo. Baka sabihin n’yo bitter ako. Pero hindi ‘di ba? Kapag may nangyari sa sobrang sama, sobrang traumatizing, hindi mo agad male-let go.

Nasa moving on process ako.” Ang feeling ni Jessy, malaki ang maitutulong ng Banana Sundae sa kanyang healing process dahil, “Sobrang nakakahawa ang vibes nila, nakakabaliw.” And she is referring nga to her co-stars sa show na sina Angelica Panganiban, John Prats, Pokwang Pooh, JC de Vera and maby others. Magsisimula na ito sa Nov. 15.

When asked if she’s still friends with JM, Jessy said “yes”. Bakit nagawa niyang maging kaibigan pa rin ni JM, Jessy’s answer was, “Kasi mahal ko siya. We’re okay. Mahal ko talaga siya. ‘Yung sinasabi ng ibang tao na ginamit ko lang siya…” biting sagot ng dalaga.

Lately ay nasulat na nag-pose si Jessy na naka-two piece swimsuit in preparation for “Darna” movie Marami ang nag-react negatively. “Nakakatawa. Sinagot ko na ‘yun. Sabi ko, ‘di ba nasa beach ka so siyempre magsi-swimsuit ka so i-post mo.

Alangan namang next year ko pa i-post. Alangan namang mag-turle neck ako sa beach. So parang nakaka-tawa lang, parang napa-kaano. I don’t know kung ano ang itatawag mo sa ganoong paratang na, shallow ba?

“Nagbakasyon lang ang tao, nag-post lang siya ng ganoon kasi feeling ko sexy talaga ako noon,” say niya. Pero kung I-offer sa kanya ang role tatanggapin ba niya? “Sino ba naman ang hindi tatanggapin ang Darna, eh, pa-ngarap kong mag-action.

Kung hindi man ako I’m sure ‘yung talagang tamang tao ang napili nila para sa role.” When asked kung willing siyang mag-audition para sa “Darna”, Jessy’s quick reply was, “Bakit hindi? Pero paghahandaan ko ‘yung pagsabak sa action na naka-two piece costume.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending