Sarah sa pagbuo ng pamilya: Gusto ko pong magkaroon ng 3 anak! | Bandera

Sarah sa pagbuo ng pamilya: Gusto ko pong magkaroon ng 3 anak!

Reggee Bonoan |November 07,2015
facebook
share this

Sarah sa pagbuo ng pamilya: Gusto ko pong magkaroon ng 3 anak!

Reggee Bonoan - November 07, 2015 - 02:00 AM

matteo guidecelli

 

NAGTATAKA si Sarah Gero-nimo kung bakit may tsikang hiwalay na sila ni Matteo Guidicelli samantalang magkasama pa sila noong weekend sa Bonifacio Global City, ipinakita pa nga sa amin ng isang taong close sa dalawa ang kanilang litrato.

Kaya sa ginanap na presscon ng “From The Top” concert ni Sarah sa Music Hall, Metrowalk noong Huwebes ay kaagad niyang kinlaro ang isyu ng break-up, “Hindi naman po kami naghiwalay ni Matt.”

Siyempre maraming nag-follow up tungkol sa relasyon nina Sarah at Matteo kung kumusta na at bakit may mga naglabasang ganu’ng isyu at pi-litin mang umiwas ng singer/actress ay hindi niya na nagawa.

“Alam niyo po, kahit anong sabihin ko diyan, wala akong control diyan. Isipin nila kung ano ang gusto nilang isipin. Alam ko kung ano ang buhay ko Alam ko kung ano ang nangyayari sa amin.

It’s my decision to keep it to myself,” katwiran ng dalaga. At dahil hindi nga hiwalay sina Sarah at Matteo ay muling natanong ang dalaga kung kailan sila nagpapakasal dahil pareho naman silang nasa marrying age na, “Siyempre, dara-ting at darating ‘yon.

Malapit na po akong mag-30, marrying age na nga po ako, e. “Pero alam ko rin sa sarili ko na marami pa akong kailangang ayusin sa sarili ko, malayu-layo pa,” katwiran ng dalaga. Sabay dagdag ni Sarah ng, “Basta he’s willing to wait!”

Dasal din ng dalaga si Matteo na ang gusto niyang makatuluyan, “Ako po oo, pero hindi natin hawak ang mangyayari, only God knows.” Samantala, 10 years from now ay inamin ng singer/actress na,

“Siguro po may pamilya na ako, may mga anak na.” At sa tanong namin kung ilang anak ang gusto niya, “Isang babae at isang lalaki, siguro mga tatlo po.”

Nabalitang nagselos daw si Sarah kay Shaina Magdayao na kasama ni Matteo sa isang serye na ipinalalabas sa Cinema One, paglilinaw ng singer-actress, “Huwag na nating pag-usapan ‘yun.”

Samantala, ilang araw ma-tapos I-announce ang “From The Top” ay sold out na kaagad ang tickets sa Dec. 4 schedule nito kaya naman nag-decide ang Viva Live, Inc., na magkaroon ng second night, sa Dec. 5.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sulit din naman kasi ang ibabayad sa show ni Sarah G maski mahal.Ang “From The Top” ay ididirek ni Paolo Valenciano at musical director naman si Louie Ocampo.

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending