“HINDI na siya nakakaalala kasi sikat na sikat na siya,” ang hinaing ng naka-discover sa kilalang aktor na hindi man lang daw marunong mangumusta. Nakilala namin ang tunay na nakadiskubre sa sikat na aktor na kababayan niya at dahil gustong mag-artista ay inudyukan ng naka-discover na mag-audition sa network at nakapasa naman. Palibhasa walang gaanong […]
NANINIWALA naman kami sa kasabihan na “you can never put a good man down” dahil kahit paulit-ulit itong nawala sa sirkulasyon ay mananatili itong nakatayo lalo’t magaling makisama at may respeto sa lahat ng katrabaho. Nasambit namin ito dahil naalala namin ang magaling na singer na sa kasalukuyan ay tila lumamlam na ang karera niya […]
“SAAN kaya niya pinalalabas? Hindi naman sa sinehan o sa anumang platrform?” ang sabi ng kilalang artista na nakatsikahan namin kamakailan. Ang nasabing artista ay nakuwentuhan ng mga kakilala niyang talents na lumalabas din sa mga pelikula niya tungkol sa isang indie director na panay daw ang gawa ng pelikula pero hindi naman alam kung […]
“WAIT mo na lang ang big reveal.” Ito ang tsika ng aming source tungkol sa isang female star at sa sinasabing boyfriend nito na naispatang nasa ibang bansa. “Masyadong maaga pa kasi, saka gusto pribado lang ang relasyon dahil parehong may pinoprotektahan,” sabi pa ng aming kausap. Ang siste ay hindi na maiiwasang mag-one-plus-one ang […]
“BENEFIT show namin para sa mga taong may COVID, nanghingi ng talent fee?” ang natatawang kuwento sa amin ng isang kilalang mang-aawit. Di sinasadyang banggitin sa amin ng kilalang mang-aawit ang tungkol sa singer-actor na nakasama niya sa benefit show noong kasagsagan ng pandemya para sa nga kasamahan nilang tinamaan ng COVID-19 na hindi naibalita. […]
LUKANG-LUKA ang buong production sa beteranong aktor dahil bigla itong nawala as in hindi makontak naka-lock in shoot kasi ang lahat. Ang tsika ay nagpaalam ang aktor sa production ng proyektong ginagawa niya since may isang araw silang day-off at nagsabing may bibilhin lang at umokey naman ang lahat dahil karapatan naman talaga ito ng […]
TINANONG kami ng isa sa bidang kasama sa pelikulang entry sa CinePanalo Film Festival 2025 na ginaganap ngayon sa Gateway 2 Cinemas kung bakit marami siyang narinig na nagsabing hindi kagandahan ang kanilang pelikula. “Siyempre magiging bias ako, kasama ako sa movie, eh, kaya nagandahan ako. Pero bago ko panoorin may mga narinig na akong […]
NAMALI kami sa pagpuri sa mahusay na aktres dahil akala namin ay wala siyang diva attitude, at sumbungera rin pala. Puring-puri pa naman namin ang mahusay na female star dahil magalang at maayos kausap kaya gustung-gusto naming pinapanood ang lahat ng interviews niya. Pero hindi pala ganu’n ang ugali niya sa likod ng camera dahil […]