Pinagmulta ng $15,000 ang star ng Los Angeles Lakers na si LeBron James dahil sa isang “malaswang” sayaw at nagbabala rin ang mga opisyal ng National Basketball Association matapos na siya ay magbitiw ng mga bastos na salita sa isang press conference. “LeBron James has been fined $15,000 for making an obscene gesture on the […]
Arestado ang isang British national na nangmaltrato umano ng asawang Filipina sa Cebu. Hinuli ng mga tauhan ng ng Bureau of Immigration (BI) Intelligence Division si Charlton William Sydney, 72-anyos, sa isang beach resort sa Sta. Fe, Bantayan, Cebu, ayon kay Immigration Commissioner Jaime Morente. Inilabas ang mission order laban kay Sydney matapos magdesisyon ang […]
Bawal nang pumasok sa Pilipinas ang mga manlalakbay mula sa pitong bansa sa Africa bunga ng pagkalat ng ngayo’y kinatatakutang mas mabagsik na variant ng Covid-19. Suspendido na ang inbound flights mula sa South Africa, Botswana, Namibia, Zimbabwe, Lesotho, Eswatini, at Mozambique, ayon kay Cabinet Secretary Karlo Nograles, spokesperson ng Inter-Agency Task Force for the […]
BHUBANESWAR, India–Animnapu’t tatlong manok ang namatay matapos atakehin sa puso dahil sa ingay ng banda ng musiko sa parada ng isang tradisyunal na kasal sa India. Ayon kay Ranjit Kumar Parida, makatanggal-tutuli ang lakas ng tunog ng banda habang dumadaan ito malapit sa kanyang poultry farm sa silangang estado ng Odisha bago maghatinggabi noong nakaraang […]
PATAY na si Bongbong Marcos. Ayon sa petisyong humihiling sa Commission on Elections (Comelec) na ikansela ang certificate of candidacy (COC) ni Ferdinand Marcos Jr., hindi umano ang totoong Bongbong ang tumatakbo ngayon sa pagka-pangulo. Sinabi ni Tiburcio Marcos sa kanyang petisyon na matagal nang patay ang tunay na Bongbong Marcos at isa lamang umanong […]
Hindi natin alam kung bakit nawalan ng lakas ng loob at tila nagkulang sa tapang ngayon ang Pangulong Duterte upang direktang pangalanan at sabihin sa taong-bayan kung sino ang kanyang sinasabing presidential candidate na gumagamit daw ng cocaine na kanya pang tinawag na isang weak leader, bagamat sa kanyang putol-putol at paunti-unting salita sa magkakaibang […]
Salamat sa Panginoon at papalabas na ang bansa sa pandemya , ngunit papasok naman sa “endemic phase”. Ito’y dahil hindi nawala at humina lang ang “virus” at ang kagandahan, meron nang sapat na mga proteksyon ng bakuna at gamot. Tuloy-tuloy ang pagbulusok ng mga bagong kaso at sa “positivity rate”, “reproductive number” , “seven-day average” […]