63 manok tigok matapos atakehin sa puso dahil sa maingay na banda | Bandera

63 manok tigok matapos atakehin sa puso dahil sa maingay na banda

|November 26,2021
facebook
share this

63 manok tigok matapos atakehin sa puso dahil sa maingay na banda

- November 26, 2021 - 02:17 PM

BHUBANESWAR, India–Animnapu’t tatlong manok ang namatay matapos atakehin sa puso dahil sa ingay ng banda ng musiko sa parada ng isang tradisyunal na kasal sa India.

Ayon kay Ranjit Kumar Parida, makatanggal-tutuli ang lakas ng tunog ng banda habang dumadaan ito malapit sa kanyang poultry farm sa silangang estado ng Odisha bago maghatinggabi noong nakaraang Linggo.

“Nakiusap ako sa operator ng banda na pahinaan ang tunog dahil masyadong maingay at nagugulantang ang mga manok. Pero ayaw nilang makinig at sa halip sinigawan pa ako ng kaibigan ng lalaking ikakasal,” wika ni Parida.

Sinabi ng isang beterinaryo kay Parida na atake sa puso ang ikinamatay ng kanyang mga manok. Nagsampa siya ng reklamo sa pulisya laban sa mga nag-organisa ng kasal matapos na tumanggi ang mga ito na bayaran siya sa pinsala.

Ayon sa zoology professor na si Suryakanta Mishra, na sumulat ng isang libro tungkol sa galaw ng mga hayop, ang  malakas na ingay ay nagpapataas sa panganib ng cardiovascular na sakit sa mga ibon, kabilang na ang manok.

“Ang mga manok ay may tinatawag na circadian rhythm na kinokontrol ng natural na siklo ng liwanag at dilim ng araw at gabi,” ani Mishra,

“Maging ang biglang excitement o stress dahil sa malakas na musika ay maaaring makagambala sa kanilang  biological clock,” dagdag pa niya.

Pero maliban sa mga natigok na manok, masaya naman ang ending ng kwento matapos makunbinsi ng pulisya ang dalawang panig na ayusin na lamang ang lahat sa mabuting paraan.

“Wala na kaming ginawang aksyon nang iurong na ng magmamanok ang kanyang demanda,” ayon sa pulis na si Droupadi Das.

Mula sa ulat ng Agence France-Presse
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending