Miss World muling magbabalik sa India after 28 years
MATAPOS ang halos tatlong dekada, gaganaping muli ang coronation night ng Miss World ngayong taon sa India.
Matatandaang noong 1996 ang naging debut ng prestihiyosong international beauty queen sa India at ngayong 2024, makalipas ang 28 years ay nagbabalik ang naturang bansa bilang hosting country ng naturang international beauty pageant.
Halos dalawang taon ring naantala ang muling paghalal sa panibagong Miss World winner kaya naman marami ang excited kung sino na nga ang bagong reyna na makakasungkit ng korona.
Ngayong gabi, March 9, hihirangin na ang panibagong reyna na magmamana ng korona mula kay reigning queen na Karolina Bielawska na nagwagi noong 2022.
Baka Bet Mo: Gwendolyne Fourniol may ‘fighting chance’ na makuha ang Miss World crown
View this post on Instagram
Gaganapin ang naturang coronation night sa Jio World Convention Center na magsisimula ngayong 10:30 PM (Philippine time).
Todo support naman ang mga Pilipino para kay Miss World Philippines Gwendolyne Fourniol na siyang pambato ng bansa sa ika-71st edisyon ng prestihiyosong beauty pageant.
Ayon sa mga fearless forecast ng mga beauty pageant critics, malaki ang chance ng dalaga na masungkit ang korona.
Pasok si Gwendolyne sa iba pang fast-track events ng Miss World kagaya ng “Top Model,” “Head-to-Head,” “Sports,” at “Talent”.
Excited rin ang mga Pinoy beauty pageant fans dahil muling magbabalik si Megan Young bilang co-presenter sa coronation night.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.