Gwendolyne may ‘fighting chance’ sa Miss World crown

Gwendolyne Fourniol may ‘fighting chance’ na makuha ang Miss World crown

Pauline del Rosario |March 09,2024
facebook
share this

Gwendolyne Fourniol may ‘fighting chance’ na makuha ang Miss World crown

Pauline del Rosario - March 09, 2024 - 02:46 PM

Gwendolyne Fourniol may ‘fighting chance’ na makuha ang Miss World crown

PHOTO: Instagram/@gwendolynefourniol

MALAPIT nang koronahan ang bagong Miss World na gaganapin sa India bilang host country sa taong ito.

May hula na ba kayo mga ka-BANDERA kung sino kaya ang magwawagi?

Nako, mukhang malaki ang tsansa ng ating pambato na si Gwendolyn Fourniol!

Naglabas ng fearless forecast ang online pageant forums na Missosology, Pageantology at Sash Factor kung anong bansa ang posibleng mag-uwi ng titulo.

At kabilang na nga sa listahan nila ay si Gwendolyne.

Baka Bet Mo: Gwen Fourniol handa nang rumampa sa Miss World: Kasama ko kayo sa laban na to

Para sa Missosology, nasa Top 9 nila ang kinatawan ng ating bansa.

Habang ang top pick nila ay ang Czech Republic, at ang mga nasa second and third spots ay ang mga bansang Martinique at Turkiye, respectively.

Ang bumubuo sa kanilang Top 10 ay ang Trinidad & Tobago, Botswana, Lebanon, India, Brazil at Ukraine.

Nasa 19th spot naman si Gwendolyne pagdating sa final picks ng Sash Factor na ibinandera rin nila sa Facebook.

Makikita na ang top 3 bets nila para sa korona ng international pageant ay ang mga bansang Trinidad & Tobago, Czech Republic at Indonesia.

Base naman sa Pageantology, nasa ika-14th place ang tubong Negros Occidental.

Unang-una rin sa kanilang pinili ay ang Trinidad & Tobago.

At ang bumubuo ng kanilang Top 5 ay ang Peru, England, Botswana at India.

Ang coronation night ay mangyayari sa Jio World Convention Center sa Mumbai, India mamayang gabi, March 9.

Kamakailan lang, pasok si Gwendolyne sa iba pang fast-track events kagaya ng “Top Model,” “Head-to-Head,” “Sports,” at “Talent.”

Kung matatandaan, ang original schedule ng 71st edition ng international pageant ay noon pang June 2022 pero ito ay naudlot nang naudlot dahil sa kumakalat na virus ng COVID-19, at iba pang hindi inaasahang pangyayari.

Si Megan Young palang ang Pinay na nagwagi ng Miss World title na ginanap sa Indonesia noong 2013.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending