Knows niyo na ba kung paano suportahan si Gwendolyne sa 71st Miss World?
MALAPIT na ang kaabang-abang na Miss World pageant!
Mangyayari ang koronasyon sa Jio World Convention Center sa Mumbai, India sa March 9.
Para sa taong ito, 112 na mga kandidata ang maglalaban-laban para sa titulo at ang pambato ng Pilipinas ay si Gwendolyne Fourniol.
Alam niyo na ba kung paano natin siya susuportahan sa kompetisyon?
Sa pamamagitan ng online poll, pwede nating tulungan si Gwendolyne na maabot ang final round!
Baka Bet Mo: Miss World PH 2022 Gwendolyne Fourniol mas pinili ang Pinas kesa sa France: This is my home and I want to stay here
Upang maka-secure siya ng top spot, kailangan lang mag-download ng Mobstar app sa Google Play o App Store.
Gumawa kayo ng account at hanapin si Gwendolyne sa mga listahan ng Miss World candidates.
Pindutin ang profile picture ng Philippines representative at i-tap ang “follow.”
Pinapayuhan ang mga tagasuporta na i-like ang bawat post mula sa profile ng ating pambato dahil ang isang “like” ay katumbas ng isang boto para sa Multimedia fast-track competition na isa sa mga pre-pageant challenges.
Kamakailan lang, pasok si Gwendolyne sa iba pang fast-track events kagaya ng “Top Model,” “Head-to-Head,” “Sports,” at “Talent.”
Kung matatandaan, ang original schedule ng 71st edition ng international pageant ay noon pang June 2022 pero ito ay naudlot nang naudlot dahil sa kumakalat na virus ng COVID-19, at iba pang hindi inaasahang pangyayari.
Kahit dalawang taon naghintay si Gwendolyne, ginamit niya ang mahabang panahon upang lalong mag-training at paghandaan ang pagsabak niya sa kaabang-abang na kompetisyon.
Mula nang makuha niya ang titulo dito sa Pilipinas ay naging abala siya sa pagtulong sa ERDA Foundation, ang charity organization na nagpaaral sa kanyang ina sa Negros Occidental.
Para sa kaalaman ng marami, si Megan Young palang ang Pinay na nagwagi ng Miss World title noong 2013 na ginanap sa Indonesia.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.