Gwendolyne Fourniol tuloy ang laban sa Miss World

Gwendolyne Fourniol tuloy ang laban sa Miss World after 2 years delay

Pauline del Rosario |February 18,2024
facebook
share this

Gwendolyne Fourniol tuloy ang laban sa Miss World after 2 years delay

Pauline del Rosario - February 18, 2024 - 05:29 PM

Gwendolyne Fourniol tuloy ang laban sa Miss World after 2 years delay

PHOTO: Facebook/Miss World Philippines Organization

FINALLY! Matutuloy na ang paglaban ng ating pambato na si Gwendolyne Fourniol sa Miss World pageant.

Magugunitang tumagal ng dalawang taon ang pagrereyna niya bilang Miss World Philippines dahil ilang beses nang nauudlot ang international competition.

At ito na nga, bilang tuloy na tuloy na ang 71st edition ng Miss World ay nagtungo na ang Pinay beauty queen sa India, ang host country para sa taong ito.

Ang exciting news ay ibinandera mismo ng Miss World Philippines Organization sa social media.

“Off to India! Wishing our Miss World Philippines 2022 Gwendolyne Fourniol the best of luck as she represents the Philippines in the 71st Miss World!” caption sa Facebook post.

Mensahe pa, “She’s more than ready to clinch the 2nd Blue crown for the Philippines! Let us all support her journey to the crown! You got this, Gwen! Laban, Filipina!”

Baka Bet Mo: Nanay at tatay ni Miss World PH 2022 Gwendolyne Fourniol hindi magiging magdyowa kung walang ERDA

Ang reigning queen ng Miss World ay si Karolina Bielawska from Poland at dalawang taon na niya hawak ang titulo.

Ang nakalaban niya mula sa ating bansa ay si Tracy Maureen Perez na nagtapos sa Top 13.

Kung matatandaan, ang original schedule ng 71st edition ng international pageant ay noon pang June 2022 pero ito ay naudlot nang naudlot dahil sa kumakalat na virus ng COVID-19, at iba pang hindi inaasahang pangyayari.

Kahit dalawang taon naghintay si Gwendolyne, ginamit niya ang mahabang panahon upang lalong mag-training at paghandaan ang pagsabak niya sa kaabang-abang na kompetisyon.

Mula nang makuha niya ang titulo dito sa Pilipinas ay naging abala din siya sa pagtulong sa ERDA Foundation, ang charity organization na nagpaaral sa kanyang ina sa Negros Occidental.

Para sa kaalaman ng marami, si Megan Young palang ang Pinay na nagwagi ng Miss World title.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Siya ay nag-compete sa Indonesia noong 2013 at natalo niya ang 127 na mga kandidata mula sa iba’t-ibang bansa.

Si Gwendolyne na kaya ang next Pnay beauty queen na makakapag-uwi ng inaasam na titulo?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending