“Oy salamat in advance.” Ito ang pahayag ni Mayor Isko Moreno ng Maynila sakaling siya ang palaring suportahan ng kampo ni Pangulong Rodrigo Duterte matapos na umatras sa karera sa pagkapangulo si Senador Bong Go. “Kung ako ang mapupusuan nila, uy salamat, thank you in advance. Pero ayoko pa ring pangunahan sila until they say […]
Simula ngayong araw, Disyembre 1, muling ipatutupad ang number coding scheme sa Metro Manila, pero ito ay tuwing rush hour lamang sa hapon at gabi. Ayon sa Metropolitan Manila Development Authority, mula 5 p.m. hanggang 8 p.m. lamang ang oras na saklaw ng number coding, Lunes hanggang Biyernes, maliban kung pista opisyal (holiday). Sa […]
UMATRAS na si Senador Bong Go sa karera ng pagka-pangulo ng bansa sa darating na 2022 elections. Sa ambush interview sa ika-158 anibersaryo ng kapanganakan ni Gat Andres Bonifacio sa Pinaglabanan Shrine sa San Juan, sinabi nitong ayaw niyang “maipit” si Pangulong Rodrigo Duterte. “Ayaw rin talaga ng aking pamilya kaya naisip ko na siguro […]
ISANG maswerteng mananaya ang nakasungkit ng jackpot sa Grand Lotto 6/55 sa bola nitong Lunes ng gabi. Tumataginting na P162,347,069 ang premyong kanyang napanalunan matapos na eksaktong makuha ang winning combination na 29-42-12-41-01-35. Hindi binanggit ng Philippine Charity Sweepstakes Office kung saan nabili ang ticket. Sa bola noong Biyernes, isang taga-Oriental Mindoro ang nanalo ng […]
THE HAGUE, Netherlands–Labing-tatlo sa mga pasahero ng KLM galing South Africa ang positibo sa Omicron, ayon sa mga health authorities ng Netherlands. Kabilang sila sa 61 pasahero na natagpuang positibo sa Covid-19 sa testing na isagawa sa Schiphol Airport sa Amsterdam noong Biyernes. Lulan sila ng dalawang flight na may kabuuang 600 na manlalakbay […]
PINAG-AARALAN na ng mga awtoridad sa Pilipinas ang posibilidad na ibalik ang paggamit ng face shield sa harap ng panganib na dulot ng bagong variant ng Covid-19. “We will look at the possibility,” wika ni vaccine czar Secretary Carlito Galvez ngayong Linggo. Sinabi ni Galvez na maging si Health Secretary Francisco Duque ay pabor na […]
NAGKUKUMAHOG ang mga bansa sa buong mundo para sarhan ang kanilang mga hangganan mula sa manlalakbay galing South Africa at karatig nitong nasyon para pigilan ang pagkalat ng bagong variant ng Covid-19. Pero bago pa man maipatupad ang panibagong restriksyon, mukhang nakalusot na sa ilang bansa ang ngayo’y kinatatakutang Omicron variant. Narito ang listahan ng […]
SCHIPHOL, Netherlands–Animnapu’t isang pasahero ng KLM sa flight na nanggaling sa South Africa ang nagpositibo sa Covid-19 at kasalukuyang sinusuri pa kung ito ay dulot ng bagong Omicron variant. Naka-quarantine ngayon ang mga nagpositibo sa isang hotel malapit sa Schiphol Airport sa Amsterdam, kung saan umabot sa 600 pasahero mula sa Johannesburg ang naghintay ng […]
Ala eh ka-swerte ga ni kabayan! Wagi ang isang mananaya sa Oriental Mindoro matapos niyang masungkit ang P378.75. milyong UltraLotto 6/58 jackpot nitong Biyernes. Sakto niyang natayaan ang winning combination na 20-17-12-29-10-46, ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO). Ang nag-iisang nanalong mananaya ay bumili ng kanyang ticket sa Calapan City. Nito lamang Huwebes […]
NIYANIG ng 5.4 magnitude na lindol ang isla ng Mindanao ngayong sabado sa ganap na 2:01 ng hapon. Nagmula ang lindol sa ilalim ng karagatan, 135 kilometro sa timog-silangan ng Balut Island sa bayan ng Sarangani, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology. Walang naiulat na nasaktan o napinsala sa nasabing lindol na naitala […]