Isko Moreno umaasang susuportahan ni Duterte matapos umatras si Go | Bandera

Isko Moreno umaasang susuportahan ni Duterte matapos umatras si Go

Karlos Bautista - December 01, 2021 - 09:48 AM

Isko Moreno Bong Go Rodrigo Duterte

“Oy salamat in advance.”

Ito ang pahayag ni Mayor Isko Moreno ng Maynila sakaling siya ang palaring suportahan ng kampo ni Pangulong Rodrigo Duterte matapos na umatras sa karera sa pagkapangulo si Senador Bong Go.

“Kung ako ang mapupusuan nila, uy salamat, thank you in advance. Pero ayoko pa ring pangunahan sila until they say so,” wika ni Moreno na kasalukuyang pumapangatlo sa sarbey sa mga kandidato sa pagkapangulo.

“For the meantime, I’m always hopeful,” dagdag niya.

Iniatras na ni Go ang kanyang kandidatura nitong Martes dahil ayaw umano niyang maipit sa gitna si Duterte. Dating tumatakbo si Go sa ilalim ng Pederalismo ng Dugong Dakilang Samahan (PDDS). Samantala, ang anak ng pangulo na si Sara Duterte-Carpio ay bise presidente  naman sa partido ng presidential aspirant na si Bongbong Marcos.

Sinabi ni Moreno na hindi niya tatanggihan sakaling i-endorso siya ni Pangulong Duterte.

“Thank you in advance, hindi ako tatanggi. Ang pulubi hindi nakakapamili. Kailangan ko ng lahat ng klaseng tulong, ordinaryong tao, kahit sinong tao. Kasi mabigat na labang ito, malaki ang Pilipinas,” wika niya sa tanong ng mga mamamahayag kung umaasa ba siyang lilipat ang suporta ng Pangulo sa kanya matapos umatras sa karera si Go.

“Kailangan ko ng tulong kasi alam mo naman solo katawan ako sa mundo ng public service. So kailangan ko ng mga allies, loyalists, believers, followers, and volunteers,” dagdag niya.

Noong Oktubre, nag-file ng kanyang kandidatura si Go bilang bise presidente sa ilalim ng PDP-Laban Cusi faction. Si Senador Ronald “Bato” dela Rosa ang presidente.

Pero noong Nobyembre 16, si Go na ang ginawang standard beader ng PDDS kapalit ni Grepor Belgica. Iniurong naman ni Dela Rosa ang kanyang kandidatura noong Nobyembre 13.

Kagunay na Ulat
Bong Go umatras na sa pagtakbong pangulo

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending