Covid-19 pandemic: palabas na, pero papasok sa 'endemic' | Bandera

Covid-19 pandemic: palabas na, pero papasok sa ‘endemic’

Jake J. Maderazo |
Wag Kang Pikon -
November 19, 2021 - 04:38 PM

Salamat sa Panginoon at papalabas na ang bansa sa pandemya , ngunit papasok naman sa “endemic phase”. Ito’y dahil hindi nawala at humina lang ang “virus” at ang kagandahan, meron nang sapat na mga proteksyon ng bakuna at gamot.

Tuloy-tuloy ang pagbulusok ng mga bagong kaso at sa “positivity rate”, “reproductive number” , “seven-day average” at ang death rate. Dito sa Metro Manila, ang pinakahuling positivity rate ay 3 percent (Nov. 10-16). Ito’y mababa sa WHO standard-5 percent. At ang isang linggong “growth rate” nito ay bumagsak sa negative 7 percent  na 407 (Nov. 4-10) , ito’y naging 379 (Nov. 11-17).

Matatandaang umabot na ito sa 9,000 cases sa isang araw noong September. Ang buong NCR ay nagtala ng pinakamababang 231 new cases sa populasyon 14 milyon. Ang pinakamalaking Quezon City na may 2.9 milyong populasyon ay nagtala rin ng 39 new cases samantalang ang Maynila ay 38 new cases sa kanilang  1.4 milyon na mamamayan. Ang OCTA research ay nagrekomendang ilagay sa pinakamaluwag na Alert level 1 ang Metro Manila dahil dito.

Ang “reproductive number” o “r-naught” ng COVID-19 delta , ay 0.5 percent na lamang, ibig sabihin, hindi na nakakahawa ng isang tao ang Delta. Dati, umabot ito sa 3.0 o tatlong tao kayat napakabilis ang kalat. Ngayon, masyadong humina na kumpara sa ibang malakas na “airborne virus”  tulad ng smallpox-bulutong (5-7), measles-tigdas (9-18),  rubella -tigdas hanging (5-7) influenza-trangkaso (2-4), mumps-beke (4-14) at iba pa. Malaking bagay sa paghina ng Delta ang  35 milyon nabakunahan mga tao, bukod sa 2.9 milyon na na-COVID at nagkaroon na ng anti-bodies sa katawan.

Ngayon, ang takot ng marami ay kung meron pang darating na panibagong “wave” sa ating bansa,tulad ng naranasan nating Alpha, Beta variant at ang pabagsak nang Delta variant”. Ayon sa mga eksperto, ang Delta variant ang pinakamalakas at pinakamatinding “mutation” ng COVID-19 ( SARS COV-2). Kung me darating na iba, ito’y mas mahina at makokontrol ng mga bakuna at ng mga bagong “oral Anti-covid pills”.

Dapat, hindi na katatakutan ang COVID-19 tulad ng nakamamatay na “flu”, tigdas at iba pa,  lalot ikaw ay bakunado na. Kapag ikaw ay tinamaan, merong APAT na mabibisang gamot para makaiwas sa komplikasyon at kamatayan.  Una, ang MOLNUPIRAVIR na ang brand name ay “MOLNAFLU”,  na ang unang shipment ay dumating na sa bansa sa pamamagitan ng MEDETCHICS ng Ayala healthCare Holdings. Ito’y aprubado na sa United Kingdom bilang gamot vs. COVID-19.

Ikalawa ang FLUVOXAMINE na ang brand name ay “LUVOX”, Anti-depressant drug na tatlong dekada nang iniinom ng milyong katao sa buong mundo at may efficacy rate na 91 percent. Ikatlo,  ang produkto ng Pfizer ang RITONAVIR na ang brand name ay  PAXLOVID na 89 percent ang efficacy  . At pang-apat ay gawa ng Astrazeneca  na EVUSHELD na may 88 percent effiicacy kapag tinurok sa unang tatlong araw ng sintomas.

Ang nangyayari ngayong pagtaas ng mga bagong  kaso sa Europa, Malaysia, at Singapore,  ay dahil dumadaan pa sa kanila ang mala-bagyong “Delta variant” na ayon sa mga eksperto ay tumatagal ng apat na buwan  mula START-PEAK-END PHASES kahit bakunado doon karamihan ng tao.

Tayo po ay dumanas ng hagupit nito mula Agosto at papalabas na ngayon. Naunang nakaraos  sa atin ang Indonesia na meron na lamang 440 new cases kahapon sa kanilang 277 milyon na populasyon (143,709 ang namatay sa kanila).

Kaya naman, nahihiwagaan ako at hindi ko maintindihan kung bakit isinusulong ngayon ng gobyerno at mga doctor groups ang mga “boosters” para sa mga bakunado. Bakit mo kailangang magdagdag ng proteksyon kung ganitong “MAHINANG-MAHINA” na ang virus? Bakit tayo gagaya sa Amerika, Europa kung saan humahagupit at napakalakas pa rin ng Delta variant?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ito po ang kalaban ng bayan ngayon, ang paghahasik ng takot sa sobra nang natatakot na mamamayan.  Kahit wala pang “scientific evidence” na kailangan natin ngayon ng “booster”,  tuloy ang pananakot.

Pwede po bang pabayaan muna ng gobyerno at mga doktor  ang bayan na i-enjoy naman ang Pasko at manigong taon matapso ang halos dalawang taong lockdown?  Imbes na pakalmahin  at magpasalamat tayong lahat, lalo pa rin tayong tinatakot.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending