Pansamantalang isusupinde ang operasyon ng Intramuros office ng Bureau of Immigration simula sa July 27. Ayon sa ahensya, ito ay bunsod ng isasagawang disinfection at sanitation sa opisina. Tatagal ang suspensyon ng operasyon hanggang July 28. “All subport offices, with minimal skeletal deployment essential to effectively and efficiently carry out their respective offices’ daily operations, […]
Arestado sa Hawaii ang Pinay vlogger na si Mika Salamanca dahil sa paglabag sa mandatory quarantine rule ng US island state. Si Salamanca, 20, higit na kilala sa tawag na Mika sa kanyang mga fans, ay dumating sa Honolulu mula Maynila noong Hulyo 6. Kinakailangan niyang i-quarantine ang sarili sa loob ng 14 araw alinsunod […]
Tumama ang magnitude 3.2 na lindol sa Pangasinan. Ayon sa Phivolcs, namataan ang episentro ng lindol sa layong 25 northwest ng Agno bandang 12:05 ng tanghali. Labimpitong kilometro ang lalim at tectonic ang pinagmulan ng pagyanig. Wala namang napaulat na pinsala sa lugar. Wala ring inaasahang aftershocks matapos ang pagyanig, ayon pa sa Phivolcs.
Happy Birthday sa Hari ng Komedya! Ginunita ng Google ang ika-92-taong kaarawan ni Rodolfo Quizon o Dolphy, ang tinaguriang “Hari ng Komedya” ng bansa. Sa pamamagitan ng Google Doodles, nagbigay-pugay ang giant search engine kay Dolphy. Nakalagay ang kanyang caricature sa logo ng Google sa araw na ito, Hulyo 25. “Ang Doodle ngayong araw ay […]
Umabot na sa mahigit 1.3 milyon ang bilang ng health workers na naserbisyuhan ng programang “Libreng Sakay” ng Department of Transportation (DOTr). Sa datos ng kagawaran hanggang July 24, nasa kabuuang 1,383,178 health workers ang ridership ng programa. Sa nasabing bilang, 405,895 ang total ridership sa National Capital Region-Greater Manila habang 977,283 naman sa iba […]
Sampung kawani ng Presidential Communications Operations Office (PCOO) ang nagpositibo sa COVID-19, ayon kay Communications Secretary Martin Andanar ngayong Sabado. Samantala, sinabi rin ni Andanar sa isang pahayag na nagnegatibo naman ang test sa kanya na isinagawa noong Huwebes. Ayon sa kanya, ipanapaabot ng PCOO ang “pag-asa at panalangin para sa mabilis na paggaling” ng […]