SWAK sa selda ang isang lalaki na nagpakilala umanong sundalo at nahulihan ng mga bote ng alak sa Quezon City kanina. Si Brando Busca, 41, ng Kapalaran St., Litex Road, Brgy. Commonwealth, ay naaresto alas-3:25 ng umaga ng mga tauhan ng District Mobile Force Battalion na nagbabantay sa quarantine control points sa Payatas Road. Galing […]
NAGTANGKA umanong tumakas ng 42-anyos na lalaki na taga-Maynila nang parahin ng mga pulis sa Quezon City kahapon. Naabutan naman ng mga pulis ng La Loma si Edward Nuñez, 42, ng Brgy. 483, Manila. Nagbabantay ang mga pulis bilang bahagi ng pagpapatupad ng Enhanced Community Quarantine nang makita nila ang suspek alas-2:30 ng hapon sa […]
SUMAILALIM sa swab test ang 135 pulis ng Quezon City upang matukoy kung may positibo sa mga ito sa coronavirus disease 2019. Isinagawa ang swab test sa Headquarters sa Camp Tomas Karingal, Sikatuna Village, noong Sabado. Kasama sa kinuhanan ng sample ng District Health Service si QC Police District Director PBGEN Ronnie Montejo. “As frontliners […]
ARESTADO ang isang lalaki na nambabasag umano ng salamin ng sasakyan para manakaw ang gamit sa loob sa Quezon City kahapon. Naaresto si Gemar Garcia, 31, construction worker at ng Palochina st., Sitio San Roque, Brgy. Bagong Pag-asa, alas-12:30 ng hapon matapos umanong basagin ang salamin ng bintana ng isang Toyota Corolla (AAY 5082) gamit […]
NAKALABAS na ng quarantine facility ang 61 overseas Filipino workers kanina. Ang mga ito ay tinulungan ng Philippine Coast Guard (PCG) sa pagsakay ng barko sa Manila North Harbor Port Passenger Terminal upang makauwi sa kanya-kanyang probinsya sa Visayas at Mindanao. Ang 61 seafarers, na sumailalim sa 14 na araw ng quarantine, ang ikalawang batch […]
NADAGDAGAN ng 52 ang bilang ng mga overseas Filipino workers na nahawa ng coronavirus disease 2019. Ayon sa Department of Foreign Affairs 1,395 na ang kabuuang bilang ng OFW na nagpositibo sa COVID-19. Nadagdagan naman ng 42 ang bilang ng mga gumaling o kabuuang 829. Isa naman ang namatay kaya 186 na ang mga nasawing […]
MAY apat na araw na lamang umano ang mga local government units upang tapusin ang pamimigay ng emergency subsidy sa ilalim ng Social Amelioration Program. Ayon kay Department of Interior and Local Government Sec. Eduardo Año naibigay na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang pondo “kaya wala na pong dahilan para hindi […]
UMABOT sa 230,000 overseas Filipino workers ang humihingi ng tulong pinansyal sa Department of Labor and Employment. Pero 150,000 lamang ang kayang tulungan ng ahensya sa ilalim ng Abot Kamay ang Pagtulong (AKAP) program na nagkakahalaga ng P1.5 bilyon. Kailangan umano ng DOLE ng dagdag na pondo para matulungan ang iba pa. Sa ilalim ng […]
UMAABOT sa 2.276 milyong empleyado ang hindi nakapagtatrabaho o hindi nakapagtatrabaho ng normal dahil sa Enhanced Community Quarantine. Ayon kay Assistance Secretary Domiique Tutay, ng Department of Labor and Employment, ang mga empleyadong ito ay nagtatrabaho sa 84,000 establisyemento sa buong bansa. Sa naturang bilang 1.5 milyong manggagawa ang empleyado ng 66,559 establisyemento na sarado […]
ISANG buwan matapos siyang tamaan ng COVID-19, ipinost ni Iza Calzado sa kanyang official Instagram account ang litrato niya habang naka-confine sa ospital. Ito yung litrato niya habang nakaupo sa kanyang hospital bed suot ang oxygen mask na kuha noong ginagamot siya matapos mahawa ng killer virus. Dito muling nagpasalamat ang aktres sa second chance […]