Gary V, netizens nag-alala sa 'COVID-19' photo ni Iza sa IG  | Bandera

Gary V, netizens nag-alala sa ‘COVID-19’ photo ni Iza sa IG 

Ervin Santiago - April 27, 2020 - 06:52 PM

ISANG buwan matapos siyang tamaan ng COVID-19, ipinost ni Iza Calzado sa kanyang official Instagram account ang litrato niya habang naka-confine sa ospital.

Ito yung litrato niya habang nakaupo sa kanyang hospital bed suot ang oxygen mask na kuha noong ginagamot siya matapos mahawa ng killer virus.

Dito muling nagpasalamat ang aktres sa second chance na ibinigay sa kanya ng Diyos para mabuhay. 

“The Lord has powerful ways, indeed! Grateful for my life today and always. 

“Even more grateful for his instruments of life – our positive spirit and resilience, especially in our frontliners. … Every breath is a blessing,” ang caption ni Iza sa kanyang IG post.

Pinusuan at ni-like ng maraming celebrities ang IG post ng award-winning actress kasabay ng pagpapasalamat sa Diyos dahil dininig nga ng langit ang kanyang dasal at ng madlang pipol.

Pero meron ding nag-alala kay Iza tulad ni Gary Valenciano na inakalang na-confine uli ang aktres sa ospital.

Comment ni Gary, “This is an older pic yes? Or are you back there???[five praying hands emojis].”

Sinagot naman siya ng Kapamilya broadcast journalist na si Karen Davila at sinabing lumang photo ang ipinost ni Iza.

Ani Karen, “Older pic Gary! [praying hands emoji] I intrvwd Iza already a few days ago, she is well!!!”

Sinundan ito ng ilang comments mula sa followers ni Iza na sana’y idagdag niya sa caption na matagal nang kuha ang litrato para hindi mag-alala ang iba niyang tagasuporta.

“This was me exactly a month ago,” ang dagdag na mensahe ni Iza sa edited version ng caption.

Sa isang panayam sa aktres, sinabi nitong may pagkakataon na inaatake siya ng survivor’s guilt matapos gumaling sa COVID-19.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

 “Umiiyak talaga ako. It hits you, e. Na parang, how come I survived and they did not? Some people are losing loved ones in three days. ‘Di ba, ‘yung parang one minute they’re there, the next they’re not. I know what that’s like.

“I kind of wish that I was able to give some of my energy to others. Perhaps, we could’ve survived this together,” lahad ni Iza na nangakong magdo-donate ng dugo sa Philippine General Hospital para magamit sa convalescent plasma transfusion na maaaring magpagaling din sa ibang pasyente.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending