WALANG duda, isa na ngayong certified star si Jackque Gonzaga, o mas kilala bilang si Ate Girl na araw-araw napapanood sa It’s Showtime ng ABS-CBN. Unti-unting nakilala si Ate Girl dahil sa pakikipagpalitan niya ng hugot kay Vice Ganda sa segment ng Showtime na “Miss Q&A”. Mas lalo pa siyang nakilala ng manonood nang itampok […]
PINABABA ang may 700 pasahero matapos namang magsira ang pintuan ng isang tren ng Metro Rail Transit 3 (MRT-3) sa Guadalupe station alas-5:48 ng hapon. Pinasakay ang mga pasahero sa sumunod na tren na dumating makalipas ang walong minuto. Isa umano sa sanhi ng pagkasira ng pintuan ang kalumaan ang mga piyesa nito at ang […]
HINDI lamang mga bus driver ang isasalang ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa drug test kundi maging mga driver ng public utility vehicles (PUVs). Ani LTFRB board member Aileen Lizada, pinag-aaralan na ng ahensya kung paano ito ipapatupad. “Pag-iisipan ho muna ng board, pag-aaralan paano ito gagawin,” sabi niya. Nauna nang ipinag-utos […]
MAS gusto ng mga Pilipino ang demokrasya kaysa sa iba pang klase ng pamahalaan, bagamat may nagsasabi na minsan ay kanais-nais ang pamahalaang diktaturya, ayon sa survey ng Social Weather Station. Sa survey noong Marso, 60 porsyento ang nagsabi na “Ang demokrasya ay palaging mas kanais-nais kaysa sa ibang klase ng pamahalaan.” Bumaba ito ng […]
INAMIN ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na nairita siya sa ulat na kinukuha ng mga Chinese Coast Guard ang mga huling isda ng mga Pinoy na mangingisda sa Scarborough Shoal. Makikitang kausap ni Lorenzana si Chinese Ambassador Zhao Jianhua sa loob ng Aguinaldo House sa Kawit, Cavite bago magsimula ang programa para sa Araw ng […]
KAKASUHAN ang isa sa mga ralyista na nambastos kay Pangulong Duterte habang nagtatalumpati sa ika-120 anibersaryo ng Araw ng Kalayaan sa Cavite, ayon sa pulisya. Inaresto ang miyembro ng Bagong Alyansang Makabayan (Bayan) na si Francis Couichie matapos magprotesta habang nagsasalita si Duterte sa Aguinaldo Shrine sa Kawit, Cavite. Base sa spot report mula sa […]
NAPATAY ng isang galit na magsasaka ang kanyang misis at isa pang babae matapos pagbabarilin nang makitang magkasamang natutulog sa kanilang bahay sa Barangay Poblacion, Matalam, North Cotabato. Nasawi rin si Danilo Belgira matapos barilin ng mga rumespondeng pulis nang makipagpalitan ito ng putok, ayon kay North Cotabato police spokesperson Supt. Bernard Tayong. Sinabi ni […]
SINABAYAN ng mga nagpoprotesta si Pangulong Duterte matapos pangunahan ang pagdiriwang ng ika-120 taon ng Araw ng Kalayaan sa Kawit, Cavite. Habang nagtatalumpati si Duterte, sumisigaw naman ang mga ralyista. “Hayaan mo lang. It’s a freedom of speech. You can have it. Okay lang. I will understand. ‘Di bale. Hindi manood ako kasi hindi naman […]