Mga Pinoy sa Saudi Arabia pinayuhang maging mapagmatyag matapos ang Jizan missile attack
PINAYUHAN ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang mga Pinoy na manggagawa sa Saudi Arabia na maging alerto matapos ang missile strike na pumatay sa tatlong sibilyan sa southern city ng Jizan noong Sabado.
Kasabay nito, nagpaabot ng pakikiramay ang Pilipinas sa Saudi Arabia “for the unfortunate loss of lives due to the missile strike”.
Sinabi ng Philippine Consulate General sa Jeddah na wala namang nasaktang Pinoy sa insidente.
Sinabi ni Consul General Edgar Badajos na tinatayang aabot sa 15,000 Pinoy ang nagtatrabaho sa Jizan, na tinarget ng mga rebelde mula sa Yemen.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.