Aktibistang nagsisigaw habang nagtatalumpati si Digong sa Cavite kakasuhan
KAKASUHAN ang isa sa mga ralyista na nambastos kay Pangulong Duterte habang nagtatalumpati sa ika-120 anibersaryo ng Araw ng Kalayaan sa Cavite, ayon sa pulisya.
Inaresto ang miyembro ng Bagong Alyansang Makabayan (Bayan) na si Francis Couichie matapos magprotesta habang nagsasalita si Duterte sa Aguinaldo Shrine sa Kawit, Cavite.
Base sa spot report mula sa Kawit Police, inaresto ng mga miyembro ng Cavite Police Mobile Force Company si Couichie matapos magsisigaw ng “huwad na kalayaan!” at magdala ng plakard na nakalagay ang “Kapayapaan para sa lahat at lahat para sa kapayapaan.”
Nahaharap si Couichie sa kasong public disturbance o paglabag sa Article 153 ng Revised Penal Code.
Nakakulong si Couichie sa Kawit Municipal Police Station.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.