WALANG duda, isa na ngayong certified star si Jackque Gonzaga, o mas kilala bilang si Ate Girl na araw-araw napapanood sa It’s Showtime ng ABS-CBN.
Unti-unting nakilala si Ate Girl dahil sa pakikipagpalitan niya ng hugot kay Vice Ganda sa segment ng Showtime na “Miss Q&A”. Mas lalo pa siyang nakilala ng manonood nang itampok sa Rated K last Sunday ang ilang bahagi ng kanyang life story.
Bata pa lang ay hilig na talaga ni Jackque ang magsayaw, taong 2015 noong mag-audition siya bilang dancer sa It’s Showtime. Aniya, pinakamalaking break sa kanya ang maging “bowl girl sa “Miss Q&A.”
Todo rin ang pasasalamat niya kay Vice dahil mas gumanda ang exposure niya sa noontime show dahil sa kanilang impromptu “love story”.
Ito naman ang mensahe ni Vice para sa kanya, “Jackque, keep it up. I’m so proud of you. Deserve mo lahat ‘yan dahil mabuti kang tao, mabuti kang katrabaho, mabuti kang anak. Maganda kang soul.
“Kaya pagbutihan mo lang lagi. Pag-ingitan mo kung ano ang naibibigay na blessings sa iyo ngayon at eventually i-share mo rin siya sa iba. Jackque, I got your back,” aniya pa.
In fairness, may taglay talagang magic si Vice pagdating sa pag-discover ng talent.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.