October 2009 | Bandera

October, 2009

Araling Bagyo: May natutunan ka ba?

TILA ngayon lang tayo nagising nang dumalaw sina Ondoy, Pepeng at Ramil.  May natutunan ka ba sa kanila?  Bilang nakatira sa mababang at bahaing lugar, ano ang dapat mong gawin ngayong narito na si Santi?  Bilang nakatira sa mataas na lugar at hindi binabaha, may gagawin ka bang pag-iingat o magre-relax na lang dahil Sabado […]

Pangangaluluwa sa Makati 1959 (isang pagbabalik tanaw)

BAGO sumapit ang Todos Los Santos. Nakabuntot ang mga bata sa matatandang bihis-patay, may mga kapang itim. Bagaman walang Halloween at walang trick-or-treat, ang kinagisnan ay may maskara ang mga bata at ang iba’y nagpapahid ng dinikdik na pinong uling na binuhusan ng langis ng niyog (nabibili pa ang langis ng niyog noon sa tindahan), […]

Fairy tale wedding ni Mar at Korina, atbp.

“KILIG to the bones” ang anak na teenager ng aking kaibigan sa kasal nina Sen. Mar Roxas at broadcaster Korina Sanchez na dinaluhan ng libo-libo sa simbahan at pinanood sa TV ng milyon-milyon. Para sa mga batang kababaihan, masasabing fairy tale ang kasal ng magkabiyak. Lalo pang naging romantiko ang kasal nina Mar at Korina […]

Biktima ka rin ba ng telcos?

BILANG pasasalamat sa inyong walang sawang pagsubaybay sa BANDERABLOGS (labis ang aming kasiyahan dahil tila bahagi na ng inyong umaga ang dalawin at basahin kami at magpahayag ng inyong nais), ibig naman naming makapaglingkod sa inyo. Meron bang mga pagkakataon, araw, o linggo na palpak at serbisyo ng inyong binabayarang load ng Smart, Globe at […]

O, Chiz ko!

ANO ba naman ito, Di ba…? O pare ko, meron ka bang problema?  Ano ang nangyari, Chiz Escudero?  Nang bisita ka namin sa Bandera, tigib ka ng pag-asa at parang ikaw na, at mismong katauhan mo, ang Nationalist People’s Coalition.  Ikaw na ang NPC at ang NPC din si Chiz.  Parang di puwedeng ihiwalay.  Parang […]

Gagasta ka ba sa Undas?

SIGE nga, gagasta ka ba sa Undas?  Palinis ng nitso (o kayu-kayo na lang ang maglilinis para mas masaya pa)?  Bulaklak (o saka na muna, o kundi’y mamimitas na lang sa daan, kung may mapipitas pa)? Kandila (ilang sekta’t relihiyon lamang ang di nagsisindi ng kandila kapag bumibisita o inaalala ang kanilang mahal na mga […]

Boycott ng oil firms: pwede? Hindi!

HAYAN na naman ang mga Kaliwa, nananawagan ng boycott ng oil firms na ayaw magbaba ng presyo.  Paano mo ibo-boycott ang produktong kailangan mo araw-araw (maliban na lang kung pwedeng mangabayo patungo trabaho, na siyang ginagawa sa Agusan del Sur at Surigao del Sur). Itong boycott kasi ay may mahabang kasaysayan, simula ng First Quarter […]

Noynoy at Mar, mga iresponsable nga ba?

MALAPIT nang umupo si Lilia “Baby” Pineda bilang gobernador ng Pampanga. Si Baby, asawa ng gambling lord na si Bong Pineda, ay dating mayor ng Lubao, Pampanga. Si Pineda, na tinatawag ng karamihan ng mga Kapampangan na “Nanay Baby,” ay pilantropo. Tumutulong siya sa mga maysakit at mahihirap di lang sa Pampanga kundi sa ibang […]

BANDERA Winner!

NAGWAGI ng ikatlong parangal si Bandera photographer Edwin Bellosillo sa nakalipas na 85th National Collegiate Athletic Association (NCAA) Photo contest  sa kanyang entry na “Tirang paupo” noong Sabado, Oktubre 24 sa Big Dome. Ilang beses nang nakapag-uwi ng parangal sa Bandera si Bellosillo dahil sa kanyang mga ma-aksyon na kuha hindi lamang sa sports kundi […]

Usok mo, buhay ko

OO. Nang dahil sa usok ng yosi mo, madadali ang buhay ko. Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, 20% ng heart attacks sa Metro Manila ay sanhi ng nalanghap na usok ng sigarilyo sa katabi o kaharap. Kapag nahinga ko ang usok ng yosi mo isa hanggang pitong oras sa sanlinggo, kandidato na ako […]

BANDERA “One on One”: Jaya

MATAPOS ang halos 15 taon, na-sustain ng Queen Of Soul na si Jaya (Maria Luisa Ramsey-Gotidoc sa tunay na buhay) ang kanyang status bilang isa sa most-sought-after performers and concert artists sa music industry. Taong 1995 nang ma-discover ng Asia’s Queen of Songs na si Pilita Corrales nang maging front act siya nito sa isang […]

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending