OO. Nang dahil sa usok ng yosi mo, madadali ang buhay ko.
Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, 20% ng heart attacks sa Metro Manila ay sanhi ng nalanghap na usok ng sigarilyo sa katabi o kaharap.
Kapag nahinga ko ang usok ng yosi mo isa hanggang pitong oras sa sanlinggo, kandidato na ako sa heart attack at maaaring dumanas ng acute myocardial infarction. Kapag 21 oras sa sanlinggo na nalalanghap ko ang usok ng yosi mo, maaaring humabol na ako sa Undas, kung di ngayon ay sa susunod na taon.
Masyado tayong nalilibang sa mga sinungaling at bolerong politiko, na sarili lamang nila ang inaatupag. Paano naman tayo, na araw-araw ay sumasakay ng pampasaherong jeepney, na ang mga katabi’t kaharap ang mga nagyoyosi?
Pagdating sa bahay, nagyoyosi rin sila.
Hindi tayo tutulungan ng politiko para mapalawig pa ang buhay natin. Tayo mismo ang kikilos para huwag malanghap ang yosi ng ating katabi at kaharap.
Ngayon na!
LITO BAUTISTA, Executive Editor – Bandera
BANDERA, 102609
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.