HAYAN na naman ang mga Kaliwa, nananawagan ng boycott ng oil firms na ayaw magbaba ng presyo. Paano mo ibo-boycott ang produktong kailangan mo araw-araw (maliban na lang kung pwedeng mangabayo patungo trabaho, na siyang ginagawa sa Agusan del Sur at Surigao del Sur).
Itong boycott kasi ay may mahabang kasaysayan, simula ng First Quarter Storm. Mataas ang matrikula, nanawagan sila na i-boycott ang mga unibersidad at kolehiyo (pero pumasok pa rin ang mga estudyante at marami sa kanila ay malalaki na ang suweldo ngayon sa gobyerno at iba’t ibang pribadong kompanya). Mataas ang pasahe, i-boycott daw ang mga bus ng MD, JD, Yujuico, DM–hanggang sa sinilaban ang bus ng Yujuico at JD sa Maynila. Galit sa Imperyalistang Amerikano, i-boycott daw ang produktong Kano, pero “Things Go Better With Coke” pa ang nangyari. Galit kay Marcos, i-boycott daw ang eleksyon, pero ngayon tatakbo na pagka-senador (at sa susunod, presidente na?).
Kung ibo-boycott ng mga motor, tricycle, pampasaherong jeepney at bus, at taxi ang mga gasolinahan, ano ang ilalagay sa tangke?
Boycott ba ang solusyon?
LITO BAUTISTA, Executive Editor
BANDERA, 102709
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.