SIGE nga, gagasta ka ba sa Undas? Palinis ng nitso (o kayu-kayo na lang ang maglilinis para mas masaya pa)? Bulaklak (o saka na muna, o kundi’y mamimitas na lang sa daan, kung may mapipitas pa)?
Kandila (ilang sekta’t relihiyon lamang ang di nagsisindi ng kandila kapag bumibisita o inaalala ang kanilang mahal na mga yumao)? O kundi’y sa bahay na lang at simbahan, tutal, Linggo naman.
Pero, kailangang bumiyahe, di ba? Kailangang makarating sa paroroonan. Kaya, kahit paano, gagasta ka pa rin.
Meron ka bang pera? O doon ka magkakapera sa paroroonan mo? O ipangungutang mo na lang ang okasyon at idadahilan na minsan lang sa isang taong gunitain ang alaala ng mahal na mga nayapa.
Kung mangungutang ka, dodoble ang gastos mo.
Ikaw, may alam ka bang paraan para di gumasta sa Undas dahil talaga nga namang napakahirap apuhapin ng pera ngayon?
Lito Bautista, Executive Editor
BANDERA, 102809
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.