BANDERA "One on One": Jaya | Bandera

BANDERA “One on One”: Jaya

- October 26, 2009 - 03:09 PM

BANDERA One on One: Jaya

BANDERA One on One: Jaya

MATAPOS ang halos 15 taon, na-sustain ng Queen Of Soul na si Jaya (Maria Luisa Ramsey-Gotidoc sa tunay na buhay) ang kanyang status bilang isa sa most-sought-after performers and concert artists sa music industry. Taong 1995 nang ma-discover ng Asia’s Queen of Songs na si Pilita Corrales nang
maging front act siya nito sa isang concert nila sa US.
Mismong si Pilita Corrales ang nag-alok kay Jaya na bumalik ng Manila at gumawa ng album. Pero ang tunay na naging daan para makilala siyang Soul Diva ay nang mag-champion siya sa 1996 Metropop Song Festival para sa kantang “Sometimes You Just Know”. And the rest is history.
Kinumusta ng BANDERA si Jaya kamakailan at narito ang naging takbo ng aming chikahan…
BANDERA (B): Kapag wala kang work ano ang ginagawa mo?
JAYA (J): Marami. Well, I do the laundry, ako talaga ang naglalaba sa bahay. I cook, ako ang
naggo-grocery, basta lahat ng gawaing bahay, ako talaga.

B: Wala ka bang maid? Bakit kailangang ganu’n karami ang dapat mong gawin sa bahay?
J: Meron, pero most of the time, linis lang sila ng bahay, but sometimes, ako pa rin yun. Kasi, minsan, may gusto akong style ng cleaning na gustong gawin, yung fast, but clean. E, sila kasi kung anu-ano muna ang mga pinaggagagawa, yung, ‘Uy, teka, huwag ganyan, ganito ang gawin n’yo.’ I really teach them the style of cleaning na gusto ko.

B: Hindi ba mahirap para sa isang working mom ang ganu’n?
J: You know what, sa totoo lang, hindi. Mahirap sometimes, kasi minsan, mararamdaman mo na parang, ay puyat pala ako, I need more rest, pero carry lang. Kayang-kaya ko. Nasanay kasi ako na trabaho nang trabaho, nabo-bore ako kapag nakatunganga lang ako. Kaya kapag wala akong taping or rehearsals, halos wala nang ginagawa ang mga kasambahay namin.

B: Ano pa ang mga dreams mo na hindi mo pa natutupad?
J: Siyempre, I would like to travel with my family, talagang ’yun ang gusto ko noon pa, makapagbiyahe kaming lahat. Gustung-gusto ko kasi ‘yung nililibot ‘yung mga place na bago sa mata ko. I want my children to see me working sa iba’t ibang lugar para bukod sa nakakapasyal na sila, they will able to see also me in action.
Gusto kong dalhin ang buong family sa Europe, si Sabria (panganay na anak ni Jaya) kasi nakapunta na sa Hawaii, Washington, California, si Dylan naman sa California and Washington pa lang. Gusto ko silang dalhin sa New York, as Florida, ‘yung Disney tour, mag-cruise. And of course, gusto ko sana talaga makapag-start ng acting.

B: Speaking of acting, sinu-sino ang tatlong celebrities na gusto mong makatrabaho in the future?
J: Oh, my God! Marami! Pero tatlo lang…siguro si Michael V, ang Asia’s Songbird (Regine Velasquez), of course, and si Ogie Alcasid, kasi ang dadali nilang katrabaho, walang pressure kumbaga. Pwede magdagdag? Si Eugene Domingo or si Ai Ai (delas Alas). Gusto ko kasi comedy talaga.
E, bilib na bilib ako sa dalawang ‘yun, talagang kapag napapanood sila, tawa ako nang tawa!

B: Paano magalit si Jaya?

J: Naku, kung gaano ako kalumanay, ganu’n ako ka-explosive. Yun naman ay kapag sobra-sobra na. Pero kung kaya ko pang itago, tatahimik na lang ako, tatalikod na lang. Alam ni Regine ‘yan, siya ang witness ko. Nakita na niya ako in action nu’ng bata-bata pa ako. Pero ngayon talagang pinipigil ko na. I could be very, very loud. Pero kaya ko ring maging super quiet kung kailangan.

B: Sinu-sino ang mga ka-close mo ngayon sa showbiz na nasasabihan mo ng iyong mga problema?
J: Nandiyan sina Janno (Gibbs), si Ogie at si Regine. Lagi lang nandiyan ang mga ‘yan kapag kinailangan mo. Si Allan K, actually, mas closer kami ni Allan ngayon.

B: Kailan ka huling umiyak?  Anu-ano ang mga nagpapaiyak sa ‘yo?
J: Oh, my gosh! Talagang iyakan na ang issue! Hahahaha! Of course, ang mga anak ko, very sensitive ako pagdating sa mga anak ko. Sobra ang iyak ko nu’ng lumabas si Dylan. Nu’ng nakita ko siya, ayun, super emote na ang lola mo! That’s the last time I cried.

B: Dumating ka na ba sa point na nagsasawa ka na sa ginagawa mo?
J: Wala. Enjoy ako, siguro yung sawa, masasabi mo lang na parang sawa ka na kasi pagod ka lang nu’ng time na yun. Pero yung sawa ka na and you’re already thinking of, ‘Ay tama na to. Ayoko na’, wala pa naman. Kasi I believe there’s always room for improvement, for better things. New opportunities, so hindi dapat magsawa, burn out siguro.

B: Gusto mo pa bang mabuntis uli?
J: Naku, tama na muna, ayoko muna. Okay na sa akin yung dalawa. Napakahirap ng buhay ngayon. Kailangan talaga maging maingat tayo. Mas mabuti na yung dalawa lang muna para mapagtuunan mo sila ng pansin talaga. Kasi feeling ko kapag nadagdagan pa, hindi na kaya ng powers ko. Hahahaha!”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

BANDERA Entertainment, 102609

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending