Araling Bagyo: May natutunan ka ba? | Bandera

Araling Bagyo: May natutunan ka ba?

- October 30, 2009 - 02:42 PM

TILA ngayon lang tayo nagising nang dumalaw sina Ondoy, Pepeng at Ramil.  May natutunan ka ba sa kanila?  Bilang nakatira sa mababang at bahaing lugar, ano ang dapat mong gawin ngayong narito na si Santi?  Bilang nakatira sa mataas na lugar at hindi binabaha, may gagawin ka bang pag-iingat o magre-relax na lang dahil Sabado naman (manonood ng DVD habang tumotoma at ngumangata ng junk foods, makikipag-tong-its, bingo, sakla, kuwaho o mas maganda yata ang magmadyong na lang habang patuloy ang pagbuhos ng umuusok na kape na pangontra sa malamig na panahon)?  O kundi’y agarang namili ka na naman noong Biyernes ng gabi (ang tawag nila sa Ingles ay panic buying dahil tiyak na raw na dadaan sa Metro Manila si Santi, at walang kasablay-sablay).  Ano ba ang mabisang gawin, bukod sa mga leksyong iniwan nina Ondoy, Pepeng at Ramil?
Naalala mo bang magdasal?

LITO BAUTISTA, Executive Editor
BANDERA, 103009

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending