ALAM mo ba na bawal ang metallic tires sa highway? May multa itong P5,000.P500 ang multa sa prenong may deperensiya. Pero, malalaman lamang ito kapag sumampa sa sasakyan ang ahente ng LTO. P300 ang multa sa sirang busina at signal light; at P300 ang multa sa pagkakabit ng dagdag at di kailangang ilaw sa harap […]
MASARAP makinig ng away nina Sen. Panfilo Lacson at dating Pangulong Joseph Estrada. Labasan ng baho. Ng kanya-kanyang dumi. Kailan pa man ay mahilig nang makinig ang Pinoy sa labasan ng baho. Pero, ikaw at ako at tayo ang lugi. Pera na naman natin ang ginagasta rito. Sa mga privilege speech sa Senado, tayo ang […]
UMUGONG na, mula kay dating Pangulong Fidel Ramos, ang bali-balita na kudeta na maaaring ilunsad ng militar at ilang politiko kapag nagkagulo sa halalang de-pindot na lang. Pero, kung sakaling matuloy nga ang halalan ay di pa rin nakatitiyak ang mananalo na puwede siyang pabagsakin sa puwesto. Balikan natin ang kasaysayan:
SIYEMPRE naman. Lahat tayo, may load ang mga cellphone. Kapag wala na tayong load at malapit nang mag-“check operator,” gumagawa tayo ng paraan kahit magka-load lang ng P10. Puwede namang utangin yan sa tindahan na nagpapa-load.
Pero, alam mo ba na ang ilegal na paglipat ng plaka sa ibang sasakyan, maliban na lang kung ito’y security plates at dokumentado ng LTO, kabilang ang stickers, ay pagmumultahin ng P10,000?
KAMAKAILAN ay nakapanayam ng mga editor ng Bandera si Sen. Jamby Madrigal at hayagang ipinahayag ng senadora na pabor siya sa divorce. Si Jamby ang pinakamataas na opisyal ng bansa na pabor sa divorce. Ang isa pa ay si Rep. Liza Masa, na may akda ng panukalang nagsusulong sa divorce, pero di gumalaw dahil pinatulog […]
NANGHIHINAYANG ka ba kay Vice President Noli de Castro, na di dadalhin ng partido ng administrasyon sa 2010 elections? Siyempre naman, kilala mo si Noli, kahit noong nasa radyo pa siya at kasama ng yumaong si Rod Navarro. Hanggang sa naging senador at bise presidente. Hanggang sa magiging presidente? Ano kaya ang nangyari, bakit parang […]
ALAM mo ba na kapag nagpalit ng makina ang sasakyan, engine block o chassis at ang mga ito’y di inirehistro, ang multa ay P5,000? Ang sasakyan na mahuhuling di inirehistro ang ipinalit na makina, engine block o chassis ay mai-impound at maire-release lamang kapag nairehistro na ang makina, engine block o chassis. Ang di pagdadala […]
SA dzMM, na pag-aari ng ABS-CBN, panalo na si Noynoy Aquino dahil mahal na mahal siya ng taumbayan. Sa dzBB, na pag-aari ng GMA7 at kalaban ng ABS-CBN, kailangan pa ng karanasan ni Noy. Sa dwIZ, heto ang matindi: Babawiin ng Lopez ang di nila nakuha at nawala sa kanila sa gobyerno ni Gloria, kapag […]
ALAM mo ba na kapag na nagmaneho ang student driver at wala siyang kasamang lisensiyadong driver ay mumultahan siya ng P500? Ang konduktor ng behikulong “For hire” ay kailangang lisensiyado rin. Kapag walang lisensiya, ang multa ay P500.
HAPPY 19th birthday, Bandera. Marami ka nang pinagdaanan. Marami nang nangyari sa iyo. Tulad ng tao ay isinilang ka rin at tinunton ang mga unang hakbang. Tulad nating lahat ay nagmahal ka rin at pinili mo ang katotohanan, kahit na ito’y masakit. Tulad ninuman ay nangailangan ka rin at nang magkapera ay di ka naging […]