MASARAP makinig ng away nina Sen. Panfilo Lacson at dating Pangulong Joseph Estrada. Labasan ng baho. Ng kanya-kanyang dumi. Kailan pa man ay mahilig nang makinig ang Pinoy sa labasan ng baho. Pero, ikaw at ako at tayo ang lugi. Pera na naman natin ang ginagasta rito. Sa mga privilege speech sa Senado, tayo ang nagbabayad ng lahat na inilalabas ng mga senador, pati na ang gastos sa kanilang research. Mahihilig siyang mag-privilege speech para banatan, personal man o paninira, ang kanilang mga kaaway. Ang mamamayan ang gumagasta rito. Pero, gayunpaman, puwede tayong makinig, lalo pa’t pinatunayan na ni business tycoon Alfonso Yuchengco ang panggigipit sa kanya ni Estrada para ibenta lamang ang sapi ng pamilya sa PLDT, tulad ng pagkakalahad ni Lacson. Galit ka ba dahil ginagasta sa walang kapararakan ang pera mo? Makikinig ka pa rin ba dahil kailangang lumabas ang katotohanan?
BANDERA Editorial, September 15, 2009
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.