ALAM mo ba na bawal ang metallic tires sa highway? May multa itong P5,000.P500 ang multa sa prenong may deperensiya. Pero, malalaman lamang ito kapag sumampa sa sasakyan ang ahente ng LTO.
P300 ang multa sa sirang busina at signal light; at P300 ang multa sa pagkakabit ng dagdag at di kailangang ilaw sa harap at likod ng sasakyan.
Pagmumultahin ng P300 ang mga behikulong walang headlight, tail light at ilaw sa preno at plaka.
Ang walang muffler ay pagyayarin ng P150.
Kaibigang kapwa driver, marami pa kaming tip para sa iyo. Sundan bukas. Hasta la vista.
Lito Bautista, Executive Editor – BANDERA
September 15, 2009
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.