UMUGONG na, mula kay dating Pangulong Fidel Ramos, ang bali-balita na kudeta na maaaring ilunsad ng militar at ilang politiko kapag nagkagulo sa halalang de-pindot na lang.
Pero, kung sakaling matuloy nga ang halalan ay di pa rin nakatitiyak ang mananalo na puwede siyang pabagsakin sa puwesto.
Balikan natin ang kasaysayan:
1.Hawak ni Marcos ang lahat na heneral, pero isa-isa tumalikod sa kanya ang mga ito at sinuportahan ng US sina Enrile at FVR.
2.Isa lang ang tapat na opisyal kay Cory Aquino, at di pa general noong panahon ng sunud-sunod na pagtatangka para mapabagsak siya sa puwesto. Di napabagsak si Cory dahil di siya iniwan nina FVR at Joe Almonte. Di rin siya iniwan ng US.
3.Kinumpare ni Erap ang mga heneral. Pero nang iniwan siya ng mga ito ay ngumalngal si Erap na parang batang inagawan ng candy. Sinuportahan nina FVR, Joe Almonte at US ang pagpapabagsak kay Erap.
4.Nagkaroon din ng sunud-sunod na pagtatangka kay GMA, pero di siya iniwan nina FVR, Joe Almonte at US. Di rin maikakaila na mas maraming heneral ang dikit kay GMA kesa sa mga nakalipas na presidente.
Ang tanong: Sino sa palagay ninyo ang presidential na madaling ikudeta?
BANDERA Editorial, September 14, 2009
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.