Bandehado Archives | Page 6 of 7 | Bandera

Bandehado Archives | Page 6 of 7 | Bandera

Pasko na, tayo na sa food bazaars!

DALAWANG buwan bago ang Pasko ay laganap na ang mga food bazaars sa mga malls at plaza. Pero wala na yatang tatalo sa galing at konsepto ng Pinoy Eats World. Kamakailan ay nagkaroon ng event ang grupo sa Podium na pinamagatang “World Eats: Man Food,” isang well-curated food fair na tinampukan ng 17 purveyors ng […]

Bukas, sisikat din ang pagkaing Pinoy

Ito ang mga tanong ko sa inyo: Bakit kaya hindi patok sa mga banyaga ang pagkaing Pilipino? Hindi ba ito kasing-sarap ng mga putaheng Korean, Thai, Malaysian, Singaporean at Vietnamese? Ito ba ay dahil ang lahat ng pagkain natin ay kulay brown, tulad ng adobo, o dahil ba malansa at sobrang alat ng mga ito […]

Kwentong Pagkain ni Viol de Guzman

Dear Bandehado, Pwede bang i-publish ang kuwento ni Ms. Viol De Guzman tungkol sa Sinaing na Tulingan sa inyong column? Pangarap niya kasing mailathala ang kanyang mga sanaysay ukol sa pagkain. Naisip ko lang na baka pwede natin siyang matulungan ukol dito. Nakalakip dito ang ang kanyang kuwento at mga larawan. Maraming salamat. Ces Nepomuceno […]

Si Charly, ang couscous at ang aking huling gabi sa Lourdes

Ang aking huling gabi sa Lourdes ay isang magandang alaala at pabaon sa aking pag-uwi sa Pilipinas. Sa loob ng dalawang linggong paglilingkod ko bilang Hospitalier at volunteer, mapalad ako at nakilala ko ang mag-asawang Gina at Charly Rousset , ang nasa likod ng Asian Delices, isang tindahan ng pagkaing Pilipino sa Lourdes. Naimbitahan ako […]

Lambanog, tagay na!

Maraming produktong Pilipino ang maaari nating ipagmalaki sa mundo. Isa na rito ang lambanog. Subalit hanggang ngayon ay hindi ito kilala sa ibang bansa, di gaya ng tequila ng mga Mehikano o Whiskey ng mga Scottish. Ang lambanog ay isang produkto na kung bibigyan natin ng pansin at pagkakataon ay maaaring maging isang malaking industriya […]

Salamat at paalam, Nora Daza

Noong Biyernes ay sumakabilang-buhay si Nora Daza, ang isa sa mga haligi ng Gastronomiyang Pilipino. Siya ay 84 taong gulang. Naiwan ni Gng. Daza ang kanyang mga anak na sina Bong, Sandy, Mariles Enriquez, Stella Belda at Nina Daza-Puyat; at mga apo na sina Arturo Daza, Ali Daza, Joseph Puyat, Gio Puyat, Billie Puyat, Mario […]

Ang Alamat ng Ensaymada

Ang ensaymada ay isa sa mga paboritong meryenda nating mga Pilipino. Ngunit saan nga ba nanggaling ang ensaymada? Saan ito nagmula? Sino ang nakaimbento nito? Sa Pilipinas lang ba mayroong ensaymada? Habang naglalakad ako sa lansangan ng Barcelona ay natapilok ako nang nakakita ako ng pastelería na nagbebenta ng ensaymada. At hindi lang basta ensaymada—isang […]

Ang pilosopiya ng pagkain ni Chef Tatung

Kapag tumuntong ka sa restaurant ni Chef Tatung sa Acacia Estate sa Taguig, mararamdaman mo kaagad ang diwa ng kanyang kinagisnang pagkain. Pinagdiriwang nito ang masaganang ani ng kabukiran at yaman ng karagatan. Simple at payak ang kinagisnang lutuin ni Chef Tatung. Para sa nakararami niyang parokyano, nababalot sa talinhaga ang kanyang mga likhang pagkain. […]

Mama Sita: kababayan, ina, kusinera

Sa pagdiriwang ng ika-435 taon ng pagkakatatag sa lalawigan ng Bulacan noong nakaraang Agosto 15, ang Malolos Heritage Society kasama ang Mama Sita Foundation at National Historical Commission of the Philippines ay naglunsad ng isang photo exhibition na pinamagatang “Mama Sita: Kababayan, Ina, Kusinera” sa makasaysayang Casa Real, Paseo del Congreso, Malolos, Bulacan. Isang tunay […]

Pancit Pusit ng Asiong’s Carinderia ng Cavite City

Alam ba ninyo na tuwing bilog ang buwan at matindi ang liwanag nito, ang mga isda  ay lumalangoy pailalim at ang mga pusit naman ay lumalangoy paibabaw? Hudyat na ito upang ang mga mangingisda ay magpiyesta sa paghuli ng mga ito. Pero kung matumal ang huli ng pusit ng mga mangingisda, paano naman ito pagkakasiyahin […]

Sapat na bigas, kaya ng Pinas

AYON kay Nick Joaquin, ang Pambansang Alagad ng Sining sa Panitikan, sa kanyang aklat na pinamagatang “Culture as History,” ang mga Pilipino ay mga “bulk eaters” o idinadaan sa bigat o timbang ang sukatan ng masaganang pagkain. Tama ang obserbasyon ni Joaquin dahil ang pangunahing pagkain nating mga Pilipino ay kanin. Kanin na sa almusal, […]

Previous           Next
No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending