Featured Stories Archives | Page 1987 of 2809 | Bandera

Featured Stories

Magnanakaw binaboy ang bahay ni Jinggoy

Magnanakaw na nga ay sobrang bastos pa. Ganu’n kung ilarawan ng mga imbestigador ang lalaking napakalakas ng loob na pumasok sa bahay nina Senador Jinggoy Estrada at Precy Ejercito sa Corinthian Hills nu’ng Biyernes nang gabi. Sa tantiya ng mga imbestigador ay may lima hanggang pitong oras na ang magnanakaw sa loob ng bahay habang […]

Travis, Hontiveros binuhat ang Alaska

Mga Laro Ngayon (Araneta Coliseum) 4:15 p.m. Barako Bull vs. KIA Carnival 7 p.m. NLEX vs. Rain Or Shine KUMULEKTA ng 24 puntos at 18 rebounds si Romeo Travis habang nagbuslo naman ng dalawang krusyal na jumper si Dondon Hontiveros sa fourth quarter para pangunahan ang Alaska Milk sa 89-75 panalo kontra Meralco kahapon sa […]

Sigaw ng netizens kay Kris: Umalis ka na, at huwag ka nang bumalik!

MAY bagong paeklay si Kris Aquino. Maninirahan na siya sa United States next year. Walang kagatol-gatol niya itong sinabi sa kanyang morning show. “Wala na ako dito next year, mare. I’ll live in America,” Kris told Daniel Padilla’s mom, Karla Estrada. “Gusto ko talagang tumira sa States ng one year para ma-experience ni Bimb. Gusto […]

Matteo: Hindi po si Sarah ang dream girl ko, she’s my one and only girl!

TIYAK na ikahahaba na naman ng hair ng Pop Princess na si Sarah Geronimo ang bagong pasabog ng kanyang boyfriend na si Matteo Guidicelli! Kahapon, sa presscon ng back-to-back-to-back concert ng tatlong pambatong hunk actors ng ABS-CBN na sina Matteo, Daniel Matsunaga at JC de Vera, ang “Dreamboys”, naghiyawan at nagpalakpakan ang entertainment press dahil […]

Teleserye nina Daniel at Kathryn inireklamo sa MTRCB

“Kung pampalipas libog lang ‘yan, that’s okay. Go ahead!” ‘Yan ang nakakalokang dayalog ng character ni Ms. Pilar Pilapil sa Pangako Sa ‘Yo na naging dahilan upang ipatawag ng MTRCB ang mga namumuno sa show for a “mandatory conference.” Ms. Pilapil uttered that line sa eksena nila ni Ian Veneracion at hindi iyon nakalusot sa […]

Poe at Binay dedma sa isa’t-isa

DEDMA sa isa’t-isa sina Sen. Grace Poe at Sen. Nancy Binay simula nang kuwestiyunin ng mga opisyal ng United Nationalist Alliance (UNA) ang kuwalipikasyon ng una na makatakbo sa mas mataas na posisyon sa 2016. “Hindi pa,” sabi ni Poe sa isang text message kahapon nang tanungin kung nag-usap na sila ni Binay matapos ang […]

Matinding pag-ulan naranasan muli sa MM, karatig na mga probinsiya

MULING naranasan ang malakas na pag-ulan sa ilang lugar sa Metro Manila at karatig na mga probinsiya ngayong araw. Sinabi ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa) na kabilang sa mga inulan ay ang Bataan (Morong), Rizal (Antipolo), Nueva Ecija (Laur), Bulacan (Norzagaray), bahagi ng Metro Manila, Cavite, Batangas, Quezon, at Zambales. Nagsimula […]

4 empleyado ng isang resto sa SM MOA ikinandado sa loob

IKINULONG sa loob ng kanilang pinagtatrabahuhang restaurant ang apat na empleyado matapos umanong ipasara ng management ng SM Mall of Asia sa Pasay City ang establisimento kahapon ng madaling araw dahil sa problema sa kontrata. Sa isang ulat ng Radyo Inquirer 990AM, sinabi ng may-ari ng Bawod Bar and Restaurant na si Opalyn Amistoso na […]

Grace Poe nagiging trapo na – Atty. Fortun

TILA nagiging “traditional politician” na si Senador Grace Poe dahil sa pagdadahilan nito kaugnay sa kinukwestyon na tagal ng paninirahan niya sa Pilipinas. Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Atty. Raymond Fortun na ang isang “traditional politician” o trapo ay ang mga pulitikong kahit huling-huli na ay nagpapalusot pa rin. “Parang nagiging “traditional politician” […]

6/55 Grand Lotto jackpot papalo na sa P225 milyon

INAASAHANG  aabot sa P225 milyon ang jackpot prize ng Grand Lotto 6/55  Miyerkules ng gabi. Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office walang nanalo sa P212.5 milyong jackpot prize sa bola noong Lunes ng gabi kung saan lumabas ang mga numerong 28-20-52-06-40-45. Umabot sa P51.088 milyon ang halaga ng itinaya sa naturang bola. Ang jackpot prize […]

Previous           Next
No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending