Magnanakaw binaboy ang bahay ni Jinggoy | Bandera

Magnanakaw binaboy ang bahay ni Jinggoy

Cristy Fermin - June 10, 2015 - 03:00 AM

PRECY AT JINGGOY ESTRADA

PRECY EJERCITO AT JINGGOY ESTRADA

Magnanakaw na nga ay sobrang bastos pa. Ganu’n kung ilarawan ng mga imbestigador ang lalaking napakalakas ng loob na pumasok sa bahay nina Senador Jinggoy Estrada at Precy Ejercito sa Corinthian Hills nu’ng Biyernes nang gabi.

Sa tantiya ng mga imbestigador ay may lima hanggang pitong oras na ang magnanakaw sa loob ng bahay habang wala ang mag-iina, kumain muna ito at nagpakabusog, pagkatapos ay dumumi pa nang buong ningning sa terrace at sa kuwarto ng bunso ng mag-asawa na si Jill.

Ewan kung ano ang trip ng magnanakaw dahil may mga CR naman sa malaking bahay pero mas ginusto nitong magkalat ng kanyang dumi sa iba-ibang parte ng kabahayan.

Sabi ng aming source, “Pati ang refrigerator, talagang inubos niya ang laman. Mga prutas, chocolate, lahat ng nandu’n, kinain niya nang kinain. Kaya siguro sumakit ang tiyan niya at hindi na siya nakapagpigil.”

Malaking halaga ang nakuha nito sa opisina ni Precy Ejercito, parang dinaanan ng bagyo ang kuwarto nang makita nila, kinalkal ng magnanakaw ang mga dokumento sa kuwarto.

Wala nang ligtas ngayon, pati ang mga subdivision na araw-gabing guwardiyado ay napapasok na ng mga magnanakaw, nangyari na rin ang ganyan kay Willie Revillame ilang taon na ang nakararaan kaya ibinenta nito ang kanyang bahay sa Corinthian Hills.

Ang konsolasyon na lang ng pamilya ng senador ay walang anumang nangyaring masama sa kanyang mag-iina.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending