Matinding pag-ulan naranasan muli sa MM, karatig na mga probinsiya
MULING naranasan ang malakas na pag-ulan sa ilang lugar sa Metro Manila at karatig na mga probinsiya ngayong araw.
Sinabi ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa) na kabilang sa mga inulan ay ang Bataan (Morong), Rizal (Antipolo), Nueva Ecija (Laur), Bulacan (Norzagaray), bahagi ng Metro Manila, Cavite, Batangas, Quezon, at Zambales.
Nagsimula ang matinding pag-ulan ganap na alas-12:50 ng hapon at tumagal ng hanggang dalawang oras.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
What's trending