Mga Laro Ngayon
(Araneta Coliseum)
4:15 p.m. Barako Bull
vs. KIA Carnival
7 p.m. NLEX
vs. Rain Or Shine
KUMULEKTA ng 24 puntos at 18 rebounds si Romeo Travis habang nagbuslo naman ng dalawang krusyal na jumper si Dondon Hontiveros sa fourth quarter para pangunahan ang Alaska Milk sa 89-75 panalo kontra Meralco kahapon sa PBA Governors’ Cup sa Smart Araneta Coliseum.
Ito ang ikaanim na panalo ng Aces sa walong laro habang bumagsak sa 4-4 ang Bolts.
Samantala, pipilitin ng Barako Bull na mapanatili ag kapit sa unang puwesto sa pagkikita nila ng KIA mamayang alas-4:15 ng hapon sa Smart Araneta Coliseum.
Sa 7 p.m. main game, habol ng Rain Or Shine ang ikatlong sunod na panalo kontra sa NLEX.
Matapos na mapatid ang four-game winning streak nang matalo sa rumaragasang San Miguel Beer ay nakabangon ang Energy nang mapanalunan ang sumunod na dalawang laro kontra Rain or Shine (113-102) at Globalport (123-114) upang patuloy na manguna sa record na 6-1.
Ang KIA ay bumagsak naman sa 3-3 matapos na matalo sa dalawang huling laro kontra Star Hotshots (89-80) at Alaska Milk (101-63).
Ang pagkatalo sa Aces ang pinakamasagwa sa kasaysayan ng prangkisa ng KIA.
Sa larong iyon, ang import na si Hamady N’Diaye ay nagtala ng 18 puntos, pitong rebounds at tatlong supalpal subalit hindi halos napakinabangan sa second half matapos na masundot sa mata ni Calvin Abueva.
Hindi rin maganda ang naging performance ng lead point guard na si LA Revilla na gumawa lang ng tatlong puntos sa 1-of-6 field goals sa kabuuan ng laro.
Ang Barako Bull ay pinamumunuan ng import na si Liam McMorrow. —Barry Pascua
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.