4 empleyado ng isang resto sa SM MOA ikinandado sa loob | Bandera

4 empleyado ng isang resto sa SM MOA ikinandado sa loob

- June 09, 2015 - 02:34 PM

SM

SM

IKINULONG sa loob ng kanilang pinagtatrabahuhang restaurant ang apat na empleyado matapos umanong ipasara ng management ng SM Mall of Asia sa Pasay City ang establisimento kahapon ng madaling araw dahil sa problema sa kontrata.

Sa isang ulat ng Radyo Inquirer 990AM, sinabi ng may-ari ng Bawod Bar and Restaurant na si Opalyn Amistoso na dalawang oras na nakakulong sa loob ang apat sa kanyang empleyado.
Aniya, nakalabas lamang ang mga ito ng dumating ang mga pulis at mamagitan.

Ipinasara umano ng mall management ang restaurant dahil sa paglabag sa lease contract.

Ayon sa pahayag ni Amistolo, pinapaalis na ang kanyang restaurant sa kabila na may kontrata pa siya sa SM.
Kabilang sa mga nakulong sa loob ng restaurant ay ang bartender na si Jose Basco.

Nagsampa na ng reklamo si Amistoso sa Pasay pulis.
Tumanggi namang magkomento ang mall management sa pagsasabing hinihintay pa nito ang buong detalye ng pangyayari.
Ipinauubaya na rin ng mall management ang isyu sa mga abogado nito. Inquirer.net

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending