NOONG tumakbo si Erap laban kay Joe (de Venecia), di pa alam ng taumbayan ang lasingan sa Malacanang gabi-gabi, kung minsan ay bago lumubog ang araw ay may panimulang tungga muna, na pampainit, na ayon kay Lacquian, ay siya ang tagahatid sa bahay ng mga senglot at sumusuray sa haplit ng alak.
NGAYON nagkakandakumahog ang Philippine National Police para isailalim sa matinding training at seminar ang may 400,000 security guards mula sa may 1,200 security agencies sa buong bansa. Ito ay kung hindi pa nangyari ang naganap na holdapan sa isang tindahan ng mamahaling relo sa Greenbelt 5 sa Makati City katanghaliang tapat noong Linggo.
SA wakas, lubusang naglaho na ang baha sa paligid ng City Hall sa Pasig at Justice Hall. Pero, wala pa ring mga bista sa buong Oktubre. Sa paligid nito itinayo ang mga tawirang coco lumber, na kinulimbat pa ng mga binaha (nahuli sila at kinasuhan na). Simula Set. 26 ay baha na sa lugar na […]
MATAGAL nang binabaha ang Malabon at Navotas, lalo na tuwing mataas ang dagat (high tide). Humahalo ang alat sa tabang at pumapasok sa mga bahay sa mabababang lugar. Pero, hindi tinatamaan ng leptospirosis ang mga tao. Walang namamatay sa leptospirosis sa Malabon at Navotas. Bakit nga ba? Walang dokumentadong paliwanag at pag-aaral ang mga kawani […]
KATATAYO pa lamang ng pinatalsik na dating Pangulong Joseph Estrada, alyas Erap, at mandarambong, ayon sa desisyon ng Sandiganbayan, ay binutata na agad siya ni Chief Justice Reynato Puno. Sinabi ni Puno na hindi niya ineendorso ang pagtakbo ni Erap pagkapangulo sa Mayo 2010. Naglabasan sa mga pahayagan ang binayarang anunsiyo na kinakatigan ni Puno […]
NAGING katawa-tawa ang mga mayor at ilang nakikiangkas kapag may isyu para mapansin (lalo pa’t tatakbo sila sa 2010 kahit walang humahabol sa kanila) na, sa nakalipas na mga araw, ay nanawagan sa paggiba ng Ambuklao, Binga at San Roque dam sa Luzon. Ang mga damuhong dam na ito raw ang sanhi ng paglubog ng […]
PAPANSIN talaga itong si Erap. Biro mo, gagawin daw niyang legal ang jueteng, ang ilegal na sugal na nagpabagsak sa kanya, na bunsod na rin para magalit sa kanya ang senior officers ng Armed Forces(bihira ang nakaaalam nito, pero nang nagpasabog si Chavit Singson, unti-unti at dumami sa senior AFP officers ang nagalit kay Erap, […]
HINIRAM muna natin ang salitang “rules of engagement” (bagaman ang tamang termino ay tactical engagement, baka hindi agad ma-gets ng ating mambabasa), bilang malakas at malinaw na pambungad na salita hinggil sa ating blog ngayon. Walang saysay ang paliwanag ni dating PNP chief Edgardo Aglipay na isinaalang-alang ng kanyang mga guwardiya (siya ang may-ari ng […]
SA kasagsagan ng pamamahagi ng relief goods sa mga biktima ng Ondoy at tinamaan ng leptospirosis, at sa kasagsagan din ng paghahanap kung saan may namamahagi ng relief goods, ang “ipinamahagi” ng Social Weather Stations (SWS) ay si Noynoy Aquino, na nangunguna na sa kanilang survey (at tiyak na ang pagkapanalo bilang pangulo sa 2010?). […]
MAS pinili pa ng mga biktima ni Ondoy na manirahan sa mga bagong relocation sites kesa bumalik sa probinsiya, na isinusulong ng Department of Social Welfare and Development sa ilalim ng “Balik Probinsiya Program” ng gobyerno. Napili ng Bandera ang tatlong pamilya, na nagmula sa Tumana at Malanday, Marikina, na inilipat ni Vice President Noli […]
MARAMING politiko na ang nag-iisip na sa isang taon na lang mag-Christmas party, at ang gugugulin sa salu-salong taun-taon ay ginaganap sa Disyembre ay ibigay na lang sa mga biktima nina Ondoy at Pepeng at tulungan ang mga nagkakasakit at namamatay sa leptospirosis. Si Speaker Prospero Nograles ay nagpanukala sa kapwa mambabatas sa Kamara na […]