SA wakas, lubusang naglaho na ang baha sa paligid ng City Hall sa Pasig at Justice Hall. Pero, wala pa ring mga bista sa buong Oktubre. Sa paligid nito itinayo ang mga tawirang coco lumber, na kinulimbat pa ng mga binaha (nahuli sila at kinasuhan na). Simula Set. 26 ay baha na sa lugar na ito. Hindi humuhupa ang baha kaya naglagay ng tawiran. Pero, may nakaisip ng paraan para mawala ang baha. Sinipsip ang baha at idineretso na sa ilog. Ang ibig sabihin, wala nang remedyo para maalis ang bara sa mga kanal at daluyan ng tubig sa lungsod, patungong ilog. Sipsipin na lang.
Marvin Balute
BANDERA, 102309
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.