Damuhong dam na yan | Bandera

Damuhong dam na yan

- October 21, 2009 - 06:24 PM

NAGING katawa-tawa ang mga mayor at ilang nakikiangkas kapag may isyu para mapansin (lalo pa’t tatakbo sila sa 2010 kahit walang humahabol sa kanila) na, sa nakalipas na mga araw, ay nanawagan sa paggiba ng Ambuklao, Binga at San Roque dam sa Luzon.
Ang mga damuhong dam na ito raw ang sanhi ng paglubog ng Pangasinan at pagkalunod ng marami.
Kaya tulad ng nakagawian, kapag may isyu, masipag magtrabaho ang mga senador dahil, siyempre, live ang television news coverage at tiyak headline sila ng mga dyaryo kinabukasan, bukod sa bida sa sunud-sunod na breaking news at flash reports sa radyo.  Kapag may isyu ay Senate investigation agad
kahit hindi in aid of legislation, tulad ng nangyari sa pagtatalik nina Hayden Kho at Katrina
Halili.  Ikaw at ako ang gumasta sa walang kwentang pagdinig na ito ng Senado.  Siyempre, tulad ng nakalipas na mga imbestigasyon, wala na naman tayong nahita.  Sila, meron, siyempre.  Sumikat na naman sila at pinag-usapan.
Ito ang nangyari kahapon nang humarap ang mga bosing ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (na tulad ng Philippine Atmospheric, Astronomical and Geophysical Administration, na nakakabit din sa Department of Science and Technology, ay masisipag at walang sablay na mga ahensiya sa kabila ng di pagtulong sa kanila ng mga tinamang na politiko).
Para sa mga mayor at ilang rah-rah boys, nasa fault line ang ilang dam, magigiba ito at mas marami ang mamamatay.  Hindi natin alam kung ano ang laman ng tuktok ng mga mayor bago nagsalita, dahil puwede naman silang magtanong sa UP institute of geology, na siyang magpapatunay na matatag ang mga dam (kaya naman sa dinadami na ng malalakas na lindol ay nariyan pa rin ang mga yan at nagbibihay kuryente at patubig).
Ayon sa Phivolcs, wala sa fault line ang mga dam at kung tanaw ng mga ito ang fault line, itinayo ang mga dam na may engineering intervention para makayanan ang 7.8 magnitude na lindol.
Kung ang enggrandeng Hyatt Terraces sa Baguio ay gumuho nang lumindol, matitikas na nakatayo pa rin ang mga dam.
Oo nga naman.  kapag giniba na ang mga dam ay tuluy-tuloy na ang tubig mula sa Agno River pababa ng Luzon at mas marami ang babahain, wala nang kuryente at wala na ring patubig sa mga magsasaka para manuyo at di na matamnan ang kanilang bukirin at lumatag ang mas malalang taggutom.
Yan ang gusto ng mga komunista.  Ang maghirap at magkagulo.  Di ba’t ang unang nanawagan para isara na ang mga dam ay mga komunista?

BANDERA Editorial, 102109

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending