NASAWI ang isang lalaki at ang 11-anyos niyang anak na dalagita nang sunugin niya diumano ang kanilang bahay, sa Guinobatan, Albay, nitong Biyernes. Dahil sa insidente’y nagtamo rin ng paso sa iba-ibang bahagi ng katawan ang isa pang menor de edad na anak ng suspek na si Agusto Duque, ayon sa ulat ng Bicol regional […]
PATAY ang isang lalaki nang barilin ng mga pulis matapos na mag-amok sa kanilang barangay at mamaril ng mga rumespondeng alagad ng batas, sa Victorias City, Negros Occidental. Dead on arrival sa ospital si Samuel Palencia dahil sa tama ng bala sa iba-ibang bahagi ng katawan, ayon sa ulat ng Negros Occidental provincial police. Naganap […]
NASAWI ang 14-anyos na binatilyo matapos umanong magbigti, sa Batac City, Ilocos Norte, nitong Huwebes. Nadatnan na lang ng kanyang ama ang binatilyo na nakabitin ng lubid sa kanilang kusina dakong alas-11 ng umaga, ayon sa ulat ng Ilocos Norte provincial police. Dahil dito’y agad ibinaba ng tatay ang anak at itinakbo sa pagamutan, pero […]
HINDi bababa sa 1,049 katao ang dinala sa mga istasyon ng Philippine Red Cross dahil sa iba-ibang karamdamang dinanas at pinsalang tinamo sa kasagsagan ng “traslacion,” o prusisyon ng Itim na Nazareno sa Maynila, Miyerkules. Bago ito, naitala na umabot sa 1.03 milyon ang debotong nakakalat sa mga kalyeng dinadaanan ng “andas” at sa paligid […]
UMABOT na sa 850 katao ang dinala sa mga istasyon ng Philippine Red Cross dahil sa iba-ibang karamdamang dinanas at pinsalang tinamo sa kasagsagan ng Traslacion o prusisyon ng Itim na Nazareno sa Maynila, Miyerkules. Naitala ang bilang dakong alas-3 ng hapon, habang nakakalat ang tinatayang 1.03 milyon nang deboto sa iba-ibang kalyeng dinaanan ng […]
TATLO katao ang nasawi at 11 pa ang sugatan nang masalpok ng kotse ang isang tricycle sa San Juan, Batangas, Biyernes ng umaga. Dead on arrival sa ospital sina John Eric Gamil, Borito Santos, at isang “Popoy,” pawang mga pasahero ng tricycle, sabi ni Supt. Chitadel Gaoiran, tagapagsalita ng Calabarzon regional police. Sugatan ang tricycle […]
AABOT sa P120 milyon halaga ng ari-arian ang napinsala nang salakayin ng mga kasapi ng New People’s Army (NPA) ang isang quarry sa Ayungon, Negros Oriental, at silaban ang mga heavy equipment doon, ayon sa mga otoridad Huwebes. Tinatayang 50 armadong kasapi ng NPA ang sumalakay sa quarry ng Pilipinas Eco Friendly Mining Corporation sa […]
NASAWI ang isang pulis matapos sumemplang ang sinakyan niyang motorsiklo, sa Tayabas City, Quezon, Huwebes ng madaling-araw. Dead on arrival sa ospital si PO3 Russel John Pasno, residente ng Mauban at nakatalaga sa pulisya doon, dahil sa pinsala sa ulo, ayon sa ulat ng Quezon provincial police. Naganap ang insidente dakong alas-12:45, habang bumibyahe si […]
NATAGPUANG patay ang isang bumbero sa Mulanay, Quezon, Miyerkules ng hapon, matapos nito umanong magbaril sa sarili dahil sa depresyon. Nadiskubre ang mga labi ni FO3 Carlo Garcia, ng BFP-Mulanay, sa Sitio Parang, Brgy. Mabini, dakong alas-5, ayon sa ulat ng Quezon provincial police. Kinakitaan si Garcia ng tama ng bala sa kanang sentido, at […]
UMABOT na sa 87 ang bilang ng mga naiulat na nasawi sa kasagsagan ng bagyong “Usman.” Sa naturang bilang, 70 ang nasawi sa Albay, Camarines Norte, Camarines Sur, Masbate, at Sorsogon, ayon sa ulat ng Office of Civil Defense-Bicol. Nananatili sa 13 ang bilang ng naiulat na nasawi sa Eastern Visayas, habang tatlo na ang […]
BUMABA ng 21 porsiyento ang bilang ng krimeng naitala sa Metro Manila noong 2018, kumpara sa 2017, ayon sa pulisya. Umabot sa 14,633 krimen ang naitala noong nakaraang taon, kumpara sa 18,524 noong 2017, batay sa datos na inilabas ni National Capital Region Police Office chief Dir. Guillermo Eleazar. Lumabas din sa datos na kumonti […]