PUMALO na sa 75 ang bilang ng mga naiulat na nasawi dahil sa bagyong Usman, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council. Naitala ang mga nasawi, pati na ang 16 nawawala pa at 12 sugatan, sa Bicol, Eastern Visayas, MIMAROPA, at Calabarzon, ayon sa NDRRMC. Umabot sa 191,597 katao ang naapektuhan ng masamang […]
NASAWI ang presidente ng Association of Barangay Captains ng Lipa City, Batangas, nang pagbabarilin sa loob ng sabungan sa lungsod, Biyernes ng gabi. May dalawang suspek na nadakip ilang oras matapos ang pamamaril kay ABC president Marlon Luancing, ngunt tumanggi muna ang pulisya na pangalanan ang mga ito dahil may kasunod pang operasyon. Itinakbo pa […]
ISANG inmate ang nasawi at di bababa sa 23 ang naospital dahil sa sunog sa Antipolo City Jail sa lalawigan ng Rizal, Huwebes ng gabi, ayon sa mga otoridad. Dalawampu’t apat na inmate ang dinala sa pagamutan, ngunit di na umabot nang buhay si Cesar Organo, 84, may kasong rape, sabi ni Chief Insp. Javier […]
DALAWANG magkapatid na sanggol ang nasawi nang lmunin ng apoy ang bahay ng kanilang pamilya, sa Binangonan, Rizal, nitong Miyerkules, ayon sa pulisya. Nakilala ang mga nasawi bilang sina Jonalyn, 1, at Joanna Villapando, 9-buwan, ayon sa ulat ng Calabarzon regional police. Naganap ang insidente dakong alas-10:30 ng umaga, sa bahay ng mga Villapando sa […]
NAHAHARAP sa patong-patong na kaso si Iloilo Rep. Richard Garin at tatay na si Guimbal Mayor Oscar Garin matapos na bugbugin at pagbantaan pang babarilin sa town plaza ang isang pulis. Inatake ng mag-amang Garin si PO3 Federico Macaya Jr. Miyerkules ng madaling araw, ayon kay Western Visayas regional police spokesperson Supt. Joem Malong. Sinabi […]
NASAWI ang isang miyembro ng PNP Special Action Force na nakatalaga sa New Bilibid Prison (NBP) nang mabundol ng sasakyan sa San Pedro City, Laguna, Martes. Dead on arrival sa ospital si PO2 Paul Malucay, residente ng Mankayan, Benguet, at nakatalaga bilang bantay sa maximum security compound ng NBP, ayon sa ulat ng Laguna provincial […]
TATLO katao ang nasawi nang masalpok at maipit sa ilalim ng pampasaherong bus ang sinakyan nilang motorsiklo, sa Sto. Tomas, Batangas, Lunes. Itinakbo pa sa ospital ang lalaking driver ng motor at dalawa niyang angkas na babae, ngunit di na sila umabot nang buhay, ayon sa ulat ng Calabarzon regional police. Naganap ang insidente dakong […]
SUGATAN ang isang lalaki nang tamaan ng ligaw na bala habang nangingisda sa bahagi ng dagat na sakop ng Batangas City, Martes ng umaga. Dinala sa pagamutan si Romeo Piloña dahil sa tama ng bala sa kaliwang bahagi ng katawan, ayon sa ulat ng Calabarzon regional police. Naganap ang insidente sa bahagi ng dagat na […]
NASAWI ang isang barangay chairman ng Taysan, Batangas, nang pagbabarilin ng mga armado sa kanyang bahay, Sabado ng umaga. Dead on arrival sa ospital si Eduardo Panganuban, residente’t chairman ng Brgy. Panghayaan, dahil sa mga tama ng bala sa iba-ibang bahagi ng katawan, ayon sa ulat ng Calabarzon regional police. Naganap ang insidente dakong alas-7. […]
NASAWI si AKO BICOL party-list Rep. Rodel Batocabe at kanyang police escort nang pagbabarilin sa isang gift-giving program sa Daraga, Albay, Sabado ng hapon. Dinala si Batocabe at escort niyang si SPO1 Orlando Diaz, ng PNP Police Security and Protection Group, sa isang pagamutan sa Legazpi City, ngunit kapwa di na umabot nang buhay, sabi […]
PATAY ang isang lalaki habang anim pa katao, kabilang ang isang sanggol, ang nasugatan nang salpukin ng trak ang sinakyan nilang tricycle, sa Sipalay City, Negros Occidental, Huwebes. Dead on the spot ang driver ng tricycle na si Rodney Jeres dahil sa matinding pinsalang tinamo, ayon sa ulat ng Western Visayas regional police. Isinugod naman […]