Rep. Garin, tatay na mayor nambugbog ng pulis sa Iloilo | Bandera

Rep. Garin, tatay na mayor nambugbog ng pulis sa Iloilo

John Roson - December 26, 2018 - 07:01 PM

NAHAHARAP sa patong-patong na kaso si Iloilo Rep. Richard Garin at tatay na si Guimbal Mayor Oscar Garin matapos na bugbugin at pagbantaan pang babarilin sa town plaza ang isang pulis.

Inatake ng mag-amang Garin si PO3 Federico Macaya Jr. Miyerkules ng madaling araw, ayon kay Western Visayas regional police spokesperson Supt. Joem Malong.

Sinabi ni Malong na ipinag-utos na rin ni Chief Supt. John Bulalacao, regional police director, na tanggalan ang mga Garin ng police escort.

Base sa police report, nangyari ang insidente ganap na alas-3:20 ng umaga sa Guimbal plaza sa kahabaan ng Rizal st.

“Mayor Garin and Rep. Garin first called Macaya, disarmed him, did a body search on him, confiscated his personal belongings, and handcuffed him,” sabi ni Malong.

“They then interrogated Macaya, pointed a gun at him, kicked, and elbowed him to the different part of the body,” dagdag ni Malong.

Base sa inisyal na imbestigasyon, sinabi ni Malong na nagsimula ang insidente, sa away sa pagitan ng dalawang menor-de-edad sa plaza noong Disyembre 22.

Nais ng mga Garin na kasuhan ang isa sa mga menor-de-edad, na anak ng isa sa mga konsehal, ayon kay Malong.

“Macaya investigated the case and did not file the charges they wanted, because the other minor was not interested in doing so,” sabi ni Malong.

“After this, kaninang madaling-araw, pinuntahan nila ‘yung imbestigador namin at chineck kung bakit di na-file ‘yung kaso, doon na nangyari ‘yung mauling,” ani Malong.

Nahaharap ang mga Garin sa mga kasong physical injuries, alarm and scandal at direct assault against a person in authority.

“‘Yung kay mayor, grave threat kasi nandoon din siya at nakatutok ng baril sa pulis namin,” sabi ni Malong.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sa isang pahayag, sinabi ni Bulalacao na hihilingin niya na tanggalan ng kapangyarihan sa lokal na pulis si Mayor Garin.

“I told Cong. Garin that I’m taking this incident as an affront to me. I will not let this pass without taking action against them,” sabi ni Bulalacao.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending