Bahay sinunog: lalaki, anak patay; 1 pa sugatan

By John Roson January 12,2019
share this

Bahay sinunog: lalaki, anak patay; 1 pa sugatan

By John Roson January 12,2019
share this

NASAWI ang isang lalaki at ang 11-anyos niyang anak na dalagita nang sunugin niya diumano ang kanilang bahay, sa Guinobatan, Albay, nitong Biyernes.

Dahil sa insidente’y nagtamo rin ng paso sa iba-ibang bahagi ng katawan ang isa pang menor de edad na anak ng suspek na si Agusto Duque, ayon sa ulat ng Bicol regional police.

Naganap ang insidente dakong ala-1 ng madaling-araw, sa bahay ng mga Duque sa Purok 1, Brgy. Cabaloaon.

Nagising si Abegail Duque, 14, at nakitang nasusunog ang kanilang bubong, kaya nagsikap makalabas. nakaligtas ang dalagita pero nagtamo ng mga paso sa katawan.

Tulog umano si Agusto at isa niya pang anak na si Bea Mae, 11, kaya nasunog kasama ng kanilang bahay.

Pero may hinala ang kaanak ng mga Duque na si Agusto ang sumunog sa bahay.

Sinabi nila sa pulisya na dumanas kasi ng depresyon si Augusto nang magtungo ang misis nito sa Maynila noong Nobyembre, para magtrabaho.

Mula noo’y di na umano lumabas ng bahay si Agusto at sinabi pang wala nang halaga ang kanyang buhay at mas mabuti pa kung ito’y tapusin na lamang. 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending