Patay kay 'Usman' halos 90 na | Bandera

Patay kay ‘Usman’ halos 90 na

John Roson - January 02, 2019 - 06:41 PM

UMABOT na sa 87 ang bilang ng mga naiulat na nasawi sa kasagsagan ng bagyong “Usman.”

Sa naturang bilang, 70 ang nasawi sa Albay, Camarines Norte, Camarines Sur, Masbate, at Sorsogon, ayon sa ulat ng Office of Civil Defense-Bicol.

Nananatili sa 13 ang bilang ng naiulat na nasawi sa Eastern Visayas, habang tatlo na ang naitala sa MIMAROPA at isa sa Calabarzon, sabi ni Edgar Posadas, tagapagsalita ng National Disaster Risk Reduction and Management Council.

Iginiit ni Posadas na tinitiyak pa kung maituturing na sa bagyo nasawi ang mga naturang tao.

Kaugnay nito, may 20 pa kataong nawawala at 40 sugatan.

Sa Bicol pa lamang ay may 14 pang nawawala at 36 sugatan, ayon sa OCD.

Sa ulat ng NDRRMC kahapon, sinasabing 191,597 katao ang naapektuhan ng bagyo sa apat na rehiyon, pero sa tala ng OCD-Bicol ay nakasaad na 838,872 ang naapektuhan sa rehiyon pa lamang.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending