Amok patay sa pulis

By John Roson January 11,2019
share this

Amok patay sa pulis

By John Roson January 11,2019
share this

PATAY ang isang lalaki nang barilin ng mga pulis matapos na mag-amok sa kanilang barangay at mamaril ng mga rumespondeng alagad ng batas, sa Victorias City, Negros Occidental.

Dead on arrival sa ospital si Samuel Palencia dahil sa tama ng bala sa iba-ibang bahagi ng katawan, ayon sa ulat ng Negros Occidental provincial police.

Naganap ang insidente dakong alas-12 ng madaling-araw, sa Zone 4, Brgy. 6-A.

Sinabi sa pulisya ng mga residente na lasing si Palencia at naglakad-lakad sa barangay road na may dalang itak, at sinusugod ang mga nakakasalubong.

Sa una’y sinubukang payapain ng mga pulis si Palencia pero di sila pinansin nito at nanakbo.

Nang habulin ng mga alagad ng batas ay sinugod niya ng itak si PO1 Cristan Palmes.

Pinaputukan siya ni Palmes pero patuloy na sumugod si Palencia.

Nasalag ng pulis ang itak gamit ang kanyang M16 rifle ngunit natumba, at doo’y inagaw ni Palencia ang baril at pinaputukan ang alagad ng batas, ayon sa ulat.

Pinalad na di tinamaan si Palmes, habang pinaputukan ng mga ka-buddy niyang pulis si Palencia.

Sa tala ng pulisya, napag-alaman na si Palencia ay may nakabinbing warrant of arrest para sa kasong murder. 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending