14-anyos nagbigti

By John Roson January 11,2019
share this

14-anyos nagbigti

By John Roson January 11,2019
share this

NASAWI ang 14-anyos na binatilyo matapos umanong magbigti, sa Batac City, Ilocos Norte, nitong Huwebes.

Nadatnan na lang ng kanyang ama ang binatilyo na nakabitin ng lubid sa kanilang kusina dakong alas-11 ng umaga, ayon sa ulat ng Ilocos Norte provincial police.

Dahil dito’y agad ibinaba ng tatay ang anak at itinakbo sa pagamutan, pero idineklarang patay ng doktor ang binatilyo.

Inaalam pa ng lokal na pulisya kung anong nagtulak sa binatilyo na magbigti. 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending