ARESTADO ang isang lalaki nang makuhaan ng 20 baril at daan-daang bala sa raid sa Jaen, Nueva Ecija, Biyernes ng umaga. Inaalam pa kung sangkot sa krimen ang naarestong si Roderick Mauricio o nagamit sa krimen ang mga baril, sabi ni Supt. Fe Grenas, tagapagsalita ng Central Luzon regional police. “Sa ngayon, ang alam namin […]
DINAMPOT ng mga pulis ang isang kandidato sa pagka-alkalde sa Batangas, Huwebes ng gabi, para sa pagtatago sa isang most wanted person, na nagsisilbi umano bilang kanyang bodyguard. Dinakip si Lester De Sagun, 40, residente ng bayan ng San Nicolas at mayoralty candidate doon, sabi ni Chief Supt. Edward Carranza, direktor ng Calabarzon regional police. […]
ISANG estudyante ang nasawi at di bababa sa lima pa ang naospital matapos diumanong malason sa kinaing cookies, na gawa ng kaklase, sa Imus City, Cavite, Martes ng hapon, ayon sa pulisya. Anim ang dinala sa Medical Center Imus, pero binawian ng buhay ang 18-anyos na si Mark Joseph Tan habang nilulunasan, ayon sa ulat […]
ANIM na kasapi ng New People’s Army ang napatay nang makasagupa ng mga tropa ng pamahalaaan ang rebeldeng grupo sa Tinambac, Camarines Sur, Miyerkules ng umaga, ayon sa militar. Ayon kay Capt. Joash Pramis, Army 9th Infantry Division public affairs officer, naganap ang sagupaan sa Brgy. Lupi, dakong alas-6.Nagsasagawa ng operasyon ang mga miyembro ng […]
ANIM katao ang napatay nang umano’y manlaban sa mga pulis, sa magkakahiwalay na operasyon sa Bulacan at Pampanga, nito lang Lunes. Napatay sina Norberto Ligon, 29; Ariel Bunag, 22; at isang RJ De Leon sa mga operasyon kontra iligal na droga mula Lunes ng umaga hanggang gabi, sa Meycauayan City, Baliwag, at Pulilan, ayon sa […]
PATAY ang tatlong lalaki nang makipagbarilan sa mga pulis sa Lemery, Batangas, Martes ng madaling-araw, matapos paputukan ng mga armado ang ilang alagad ng batas sa bayan ng Balayan. Inaalam pa ang pagkakakilanlan ng tatlo, na nakuhaan ng tatlong baril at dalawang motorsiklo, ayon sa ulat ng Calabarzon regional police. Naganap ang engkuwentro sa bahagi […]
UMABOT na sa 19 ang patay, samantalang 79 na iba pa ang sugatan matapos sumabog ang dalawang bomba habang nagmimisa sa Cathedral sa Jolo, Sulu, ngayong araw, ayon sa mga otoridad. Sinabi ni Autonomous Region in Muslim Mindanao police spokesman Senior Insp. Jemar delos Santos na kabilang sa mga namatay ang 13 sibilyan, limang sundalo […]
ARESTADO ang obispo ng isang grupo ng mga paring Kristiyano na nangangasiwa umano sa “exorcism,” o pagpapalayas ng mga demonyo, at isa pang lalaki, sa operasyon kontra iligal na droga sa Bacoor City, Cavite, Huwebes. Kabilang sa mga inaresto si Bishop Richard Alcantara, ng Sacred Order of St. Michael (SOSM), na nahuli sa akto ng […]
NASAWI ang driver ng isang barangay chairman sa Mina, Iloilo, nang pagbabarilin ng mga armado, Huwebes. Dead on arrival sa ospital si Melvin “Nano” Hermosura, driver ni Brgy. Tolarucan chairman Teodoro Camarista, dahil sa mga tama ng bala sa ulo, ayon sa ulat ng Western Visayas regional police. Naganap ang insidente sa bahagi ng National […]
ARESTADO ang tatlo katao nang makuhaan ng aabot sa P1.5 milyon halaga ng hinihinalang shabu at mga baril, sa checkpoint sa Doña Remedios Trinidad, Bulacan, Miyerkules ng gabi. Nakilala ang tatlo bilang sina Joselito Isidro, 30, at Florida Alipio, 46, kapwa residente ng Baliwag; at Jerome Jay Niño Silverio, 26, ng Bustos, sabi ni Senior […]
PATAY ang dalawang hinihinalang magnanakaw nang makipagbarilan sa mga pulis, matapos umanong looban ang isang nakaparadang kotse sa Quezon City, Miyerkules ng gabi. Dead on the spot ang dalawang lalaki, na tinitiyak pa ang pagkakakilanlan, ayon kay Chief Supt. Joselito Esquivel, direktor ng Quezon City Police District. Naganap ang shootout pasado alas-8, sa Arburetum road, […]