2 'basag-kotse' patay sa shootout | Bandera

2 ‘basag-kotse’ patay sa shootout

John Roson - January 24, 2019 - 12:47 PM

PATAY ang dalawang hinihinalang magnanakaw nang makipagbarilan sa mga pulis, matapos umanong looban ang isang nakaparadang kotse sa Quezon City, Miyerkules ng gabi.

Dead on the spot ang dalawang lalaki, na tinitiyak pa ang pagkakakilanlan, ayon kay Chief Supt. Joselito Esquivel, direktor ng Quezon City Police District.

Naganap ang shootout pasado alas-8, sa Arburetum road, Brgy. Old Capitol Site.

Bago ito, nilooban ng mga suspek ang Toyota Innova na ipinarada ng isang lalaki sa parking lot ng isang kilalang fast food restaurant sa Commonwealth ave., Brgy. San Vicente.

Unang humingi ng saklolo ang lalaki sa guwardiya ng restaurant, at sinabing binasag ng mga di kilalang tao ang bintana ng kanyang kotse at kinuha ang mga gamit sa loob.

Tiyempong nasa loob ng restaurant ang isang team ng District Special Operations Unit (DSOU) na nagsasagawa ng monitoring laban sa mga magnanakaw sa lugar, kaya agad rumesponde at hinabol ang mga suspek.

Sinabi sa pulisya ng mga saksi na nanakbo lang ang mga suspek, na naka-orange na t-shirt at berdeng long sleeves, patungo sa Philcoa footbridge at tumawid sa kabilang kabilang bahagi ng Commonwealth ave.

Nakorner ng team ng DSOU ang mga suspek sa Arburetum road, ngunit imbes na sumuko’y nakipagbarilan ang mga ito sa mga pulis kaya napatay, ani Esquivel.

Narekober sa mga suspek ang isang kalibre-.45 pistola, kalibre-.38 revolver, at isang Apple laptop na pinaniniwalaang ninakaw sa biktima, aniya. 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending