ARESTADO ang isang lalaki nang makuhaan ng 20 baril at daan-daang bala sa raid sa Jaen, Nueva Ecija, Biyernes ng umaga.
Inaalam pa kung sangkot sa krimen ang naarestong si Roderick Mauricio o nagamit sa krimen ang mga baril, sabi ni Supt. Fe Grenas, tagapagsalita ng Central Luzon regional police.
“Sa ngayon, ang alam namin ay worker siya (Mauricio) sa antique shop at nagko-collect ng baril, kaya lang hindi licensed,” ani Grenas.
Sinalakay ng mga tauhan ang bahay ni Mauricio sa Gumamela st., Brgy. Langla, dakong alas-8:30.
Nasamsam doon ang pitong kalibre-.45 pistola, dalawang kal-.9mm pistola, isang kal-.22 rifle, kal-.30 Carbine rifle, M4 rifle na may scope ay silencer, kal-.25 pistola, kal-.38 pistola, kal-.380 pistola, kal-.357 revolver, apat na air gun, at mga balang nakalagay pa sa mga magazine, ammunition box, at tray.
Hinahandaan na ng kasong paglabag sa Comprehensive Law on Firearms and Ammunition at election gun ban ang suspek.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.